LEIGH Dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, ay medyo tinanghali ako ng bangon. Pagka gising ko, kinapa ko agad ang gilid ko. Wala na siya sa tabi ko. Medyo, alarma ako. Agad akong tumayo, sana hindi na muna siya umalis ng bahay at pumunta sa kung saan. Masyado akong nag alala sa kaniya kagabi, at alam kong ganun din si Tatay at ang mga kapatid kong sila Landon at Larry. Nanaginip na naman kasi siya ng masama, parang binabangungot. Pilit ko siyang ginigising, napaiyak na ako dahil nagpatuloy siya sa pagsigaw. Nagising ang Tatay at mga kapatid ko. Agad nila kaming dinaluhan. Si Lalaine lang walang alam sa nangyari, at mas maigi na yun baka kasi kung nasaksihan niya yung nangyari kagabi, matakot pa siya. Hindi ko na marinig ang boses ng mga kapatid ko, wala na rin ang bakas

