LEIGH Maagang maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Gusto kong siguraduhin na wala silang maibabatong negatibong puna sa akin lalo na ngayong unang araw ko. Siniguro kong presentable ang itsura ko, light na light lamang ang nilagay kong kulay sa mukha ko. Ilang weeks ko ring pinag-aralan ang paglalagyan ng make-up. Sinubukan ko ang lahat ng tema. Sinubukan kong maglagay ng medyo makapal na eye shadows, blush on, foundation pero nangangati talaga ang mukha ko bukod sa hindi talaga ako komportable ay napapangitan rin ako sa naging resulta ng mukha ko. Nag-mukha akong babaeng taga kasa na hindi mabenta benta ng mamasang. Sa huli, mas satisfied akong tingnan ang sariling mukha sa simpleng ayos at magaan na tinta. Naglagay ako ng blush on pero may tamang pagka pinkish lang.

