LEIGH "Tang*na, tol. Naninibago naman ako sa 'yo! Kailan mo papuputulan 'to?" Aniyang ginulong muli ang buhok ko habang hindi pa rin mawala wala sa balikat ko ang pagkaka-akbay ng braso niya. Panay ang hila niya sa akin padikit sa kaniya tulad ng ginagawa nila sa akin noon nag-aaral pa kami. Alam ko walang malisya lang naman iyon, siyempre mga katropa ko sila. Ganun naman sila, they treated me as one of the boys. 'Yon ang pagkakakilala nilang lahat sa akin maliban sa Bestfriend kong si Bentong at Jenna na tanging nakakaalam ang tunay kong kasarian. Kanina pa niya paulit-ulit na sinasabing humahaba na ang buhok ko at kailangan ko nang pagupitan. Marahil, nanibago ito sa medyo mahaba-haba ko nang buhok. Normally kasi, lagi rin akong naka clean cut tulad sa isang tunay na lalake.

