LEIGH Kaka- hired niya lang sa akin umpisa na ako agad agad? Tapos meeting agad ang dadaluhan namin? Sa ganitong ayos ko? Hindi niya binibitawan ang kamay ko, mahigpit niyang hawak. Medyo nagtaka pa ako, wala yong bodyguards niyang dalawa na laging nakabuntot sa kaniya. "Sir, ganito po akong sasama sa inyo?" naaalangan kong tanong. Ang sabi niya may meeting siyang dadaluhan sa isang restaurant. Naka receptionist uniform pa ako. Pero kung sabagay pang pormal din naman ito. Tiningnan niya ang ayos ko, napatingin sa skirt ko. Mahina siya nagmura. Napakagat labi ako sa inakto niya, parang biglang bumalik ang diwa ko sa nakaraan. Ganito ang pakiramdam ko noon, sa tuwing kasama ko siya. He tsked. "Ang ikli." sambit niya. Napanguso ako. Hindi naman iyon super ikli, hanggang lampas

