LEIGH Magtatatlong buwan na rin ang tiyan ko, kapuna puna na ang tila pagbabago ng katawan ko. Marami rin akong cravings na halos ikabaliw ni Isaiah. Tulad ng paghingi ko ng pink na pinya, hindi ko nakita ang pagkagulat sa kaniya, mas ako pa nga ang nagulat at si Bentong nang sabihin niyang, "okay, we'll go and get it. Tara, Tong samahan mo 'ko dalhin natin ang sasakyan mo." "Ano, sure ka? May ganun bang pinya? Tol, alam kong mahal na mahal mo 'tong si Leigh pero Tol naman saan natin hahanapin iyon sa dulo ng mundo?" binalingan ako ni Bentong. "Beshe naman, hindi kasama ang pinya sa pagpapalit ng partida liberal, hindi porket yellow sila dati at naging pink e, ganun din ang pinya! Sus Isaiah, saan tayo hahanap niyan?" Problemadong ani Bentong. Napakagat labi ako, oo nga parang impo

