LEIGH Nang sumunod na araw, nagising ako dahil sa mga kaluskos, yapak at ingay na nagmumula sa taas ng bahay namin. Si Tatay lang ang natutulog dun pero bakit daming yapak at kaluskos? Parang may mga binubuhat din na furnitures. Pilit kong minulat ang mga matang medyo antok pa, kumurap kurap ako at bahagyang kinusot ang aking mga mata. Napatingin ako sa tabi ko, wala na si Lalaine. Malaaliwalas at kumikinang ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng naka jalousie na bintana namin. Inispatan ko ng tingin ang digital clock na nakatanong sa night table. Alas nueve na ng umaga, pupungas pungas na akong tumayo. Grabe ang nararamdaman kong pamimibigat ng katawan, plus pakiramdam ko mukhang masusuka na naman ako. Ganito na ang nararamdaman ko tuwing umaga. Ano bang nangyayari sa

