Pagkasapit ng Biyernes, tiningnan ko kung puwede ba akong lumabas sa Sabado. Fortunately, wala namang group outputs na kailangang gawin. May mga homeworks ako pero puwede ko naman iyong gawin sa Biyernes ng gabi o di kaya ay sa Linggo na. It won't take much time. Kaya naman pagkauwi ko ay sinabi ko kaagad kay Mama ang plano. She didn't go against with it. Ang sabi niya lang ay basta mag-ingat daw kami sa biyahe. She also wants to talk to Sage before we travel. Masaya akong nakatulog nang gabing iyon. Matapos kong itext si Sage na sasama ako ay natulog na rin ako kaagad. The next morning, I received a text from him. Ang sabi, babiyahe na daw siya papunta rito. It was sent around 4 AM. Kumilos na ako at naghanda na. Alas otso nang dumating si Sage, saktong pagkatapos kong maligo at mag-ay

