"Komportable ka ba dito?" tanong ko kay Sage pagkaupo niya sa binigay kong stool. Nasa may gilid kami ng booth. Nakatayo ako sa harap niya habang siya naman ay nakatingala sa 'kin. Nilingon ko ang mga paninda. Sina Rowella ay abala sa mga customers. Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain na naroon bago bumaling kay Sage. "Gusto mo bang kumain muna? May dumplings, tempura, squid rolls, hotdogs kami. Kumakain ka ba ng ganoon? Kung hindi, may ibang pagkain naman sa ibang booths. Gusto mo bang bilhan kita roon?" "Kumakain naman ako, Kaia. But I'm still full. Let's just have lunch together later." Tumango ako. "Puwede ba akong tumulong sa inyo?" Narinig iyon nila Wena kaya napatingin sila sa gawi namin. Si Frank at Ivo ay inaayos ang bandiritas sa tapat ng booth. "Naku, huwag na! Kaya

