"Ang init naman! Hindi ba puwedeng mag-insert na lang tayo sa pila? Marami namang may gusto sa 'yo riyan kaya paniguradong hahayaan tayong mauna," ani Rose sabay paypay sa sarili gamit ang kamay. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang umirap. "Hindi 'yan puwede, ano ka ba. Baka bago pa tayo makapag-enrol masabunutan na tayo ng mga babae sa likuran." Patuloy lang sa pagrarant si Rose. Marami kasi ang nauna sa pagkuha ng priority number dahil medyo natagalan kami sa pagdating. Si Brenda namana ay sa second day na raw mag-e-enrol. May lakad pa daw kasi siya ngayon. Pasado alas dose na nang matapos kami roon. Muntik pa nga siyang makipag-away dahil may bumunggo sa kanyang isang babae at halos matumba na siya. Buti na lang at napigilan ko. Rose really have a bad temper lalo na at ga

