NASA park silang lahat para ipasyal ang ina nila. Si Ashley, nakasuot ng face mask at shades. Habang si Ashei, expose naman ang mukha. Nakaupo sila sa malapad na mat, at nakaupo sa wheelchair ang mommy nila. Ang dalawang kapatid, asawa at si Mr. Aljoe, naglalaro ng volleyball ang mga ito. Dumating ang kaibigang doktor ng kambal, si Doc Joshua. At agad na huminto sa paglalaro ang mga ito. “Pareng Joshua, salamat at nakarating ka.” wika ni Lance, sa kaibigan. “Kumusta si Tita Florence?” “Ganyan na siya, simula nang na rescue namin, kaya nga tinawagan kita dahil ayaw kong ipagkatiwala sa ibang doktor ang aming ina.” “Ibig mong sabihin hindi mo pa siya nadadala sa ibang doktor?” “No, nasa mansion lang siya, ilang araw pa lang din siya mula nang mailigtas namin. Ikaw talaga ang hinihintay

