IBINIGAY ni Froilan kay Kathryn ang tablet upang mapanood nito ang kopya ng CCTV. Pagkatapos ay nagpaalam siyang aakyat muna sa kwarto—maliligo bago matulog. Ilang oras lang kasi ang tulog niya dahil sa mga kalokohan ng barkada kagabi. Habang hinuhubad ang suot, napakunot ang noo ni Froilan nang may maamoy siyang ibang pabango sa kanyang damit. Agad siyang lumabas ng banyo, kinuha ang cellphone, at tinawagan ang kaibigang si Teodore. May kutob siyang may hindi siya alam sa nangyari kagabi. “Pare, anong nangyari kagabi? Bakit may ibang pabango ang damit ko?” tanong niya. “Bakit, hindi pa ba kayo nag-usap ng pinsan mo?” sagot ni Teodore. “Sinong pinsan?” nagtatakang tanong ni Froilan. “Lasing ka nga talaga, pare. Si Ms. Laurice! Tinawagan mo siya kagabi para sunduin ka sa bar. Pero ayaw

