NAGMAMADALING siyang naligo sapagkat kanina pa nanlalagkit ang pakiramdam. Kahit pala may pagka masungit si Mr. NogNog, may tinatago rin itong kabaitan. Hindi niya inaakala na bibili talaga ito ng napkin para sa kanya. At dahil doon dapat siyang magsipag sa trabaho. Masaya siya na may maituturing siyang pamilya; sana lang talaga hindi siya paalisin ng kanyang amo. Isasara na niya ang shower nang biglang tumalsik iyon at lumabas ang malakas na tubig. At sa kalituhan hindi malaman kung alin ang pipihitin upang huminto ang tubig. Kapag hindi tumigil ang tubig sigurado hindi magtatagal at babaha hanggang sa loob ng kwarto niya. Kaya ang ginawa ay tumakbo siya palabas ng banyo-- diretso sa pintuan habang sumisigaw. Hindi alintana kung walang saplot sa katawan habang malakas na tinatawag ang

