NASA garden si Ashley, iniisip niya sng paternity test na ipinagawa niya. Sample ng niya, nang ina at ni Denise, nang biglang makarinig ng ingay. Kaya nagmamadaling pinuntahan para alamin ang mga nangyayari. At hindi siya makapaniwala na ang gumagawa ng gulo ay ang sariling ina kasama si Denise. “Mommy, anong ginagawa nyo dito?” “Bakit mo binugbog si Denise, hindi ka na naawa sa pinsan mo?” “Sinampal ko lang at sinipa ang babaeng yan dahil harapan niyang nilalandi ang asawa ko!” “Sinungaling ka, nakikita mo ang sitwasyon niya hindi makalakad kung walang saklay? Talagang nalason na ang isipan mo ng pamilyang mamamatay tao!” “Umalis na kayo, tutal hindi ka naniniwala sa akin! Isa pa naririto kayo sa mansyon Velasquez, at kung magpapatuloy kayo sa panggugulo dito ay tatawag ako nang pu

