CHAPTER 5

2102 Words
Alas tres na ng makarating kami sa bahay. Tuwang tuwa ang Pamilya ko ng makita nila kami ulit. Niyakap ko ang Mama at Papa ko. Sobrang miss na miss ko na sila pati mga kapatid ko.  Ma, Pa si Geoff nga po pala. Hello po Maam and Sir. Nice to meet you po sabay mano sa kanila. Nice to meet you din Hijo. Sabi naman ni Papa. O siya kumain na kayo at lalamig na ang mga niluto ko. Habang nasa hapag kainan kami ay walang tigil ang kwentuhan namin. Hanggang sa magpaalam si Geoff kila mama at papa na liligawan niya ako.  Ok lang naman hijo. Kung saan sasaya ang anak namin ay walang problema sa amin kahit sino pa ang ipakilala niya dito. Maraming salamat Ma at Pa sa pagsuporta sa lahat ng desisyon ko.  Ang gusto lang naman namin anak ay ang maging masaya ka at maayos ang buhay mo. Sorry po sa isang taon na halos hindi ko pagkausap at pagbisita sa inyo. Naiiyak kong sabi. Ok na yun anak. Naiintidihan ka naman namin. Wala naman kaming sama ng loob sayo. Sabi ni Mama. After namin kumain ay nagvideoke kami. Kumanta ng kumanta ang mga kaibigan ko at mga kapatid ko habang si Geoff, Papa, at kuya ay seryosong nag uusap. Si mama naman ay nasa loob at inaayos ang mga pinagkainan namin kasama si ate Aliyah na asawa ni kuya. Ano pinagusapan niyo nila Papa at kuya? Mukhang seryoso kayo ahh. Natatawa kong sabi. Sinabi lang nila na wag daw kita sasaktan at alagaan daw kita. Binigay na nila yung tiwala nila sa akin. Nakangiti niyang sabi.  Alam ko naman na mabuti kang Tao Geoff. Alam ko na hindi mo ko sasaktan at pababayaan. Hoy love birds kuamanta naman kayo. Paos na Paos na kami dito. Natatawang sabi ni Moana. Sino ba kasi nagsabi na ubusin niyo ang mga kanta diyan sa videoke aber? Nakapamewang ko na sabi. Dami mong sinasabi. Pumili na lang kayo ng kanta diyan. Sabay hagis sa akin ng song book. Hay naku ikaw bakla ka sarap mo sabunutan. Ang arte mo beshy. Pabebe ka porket nandyan si Geoff. Eh dati pa naman nating ginagawa yang paghahagisan ng songbook. Pang aasar ni Moana. Tawa naman ng tawa ang mga kaibigan at kapatid ko. O siya ito na ilagay mo na sa videoke, Ikaw ang Sagot. Si Geoff ang kumanta ng pinalagay kong kanta kay Mon. Napakaganda ng boses niya at buong kanta ay sa akin lang siya nakatingin. Nakakaiyak yung kanta. Lalo na yung part na: " Ikaw ang sagot sa mga dalangin Dininig ng langit ang aking paglalambing Kay tagal naghintay at ngayo'y dumating 'Di na hahayaan na ika'y mawala sa akin"Pakiramdam ko ako ang pinaka maswerteng babae ngayon dahil sa kanya. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang magmahal at mahalin. Nakatingin lang din ako sa kanya habang kumakanta siya. Pinapakiramdaman ko yung sarili ko. Ito na nga siguro. Handa na kong magmahal ulit at pumasok sa isang relasyon ng may buong pagkatao at puso. Alas diyes na ng gabi kami nakaalis sa Cavite. Hinatid kaming lahat ni Geoff sa mga apartment namin. Ako ang huli niyang hinatid tutal naman ay on the way naman ang mga bahay namin. Tatlong buwan na din ang lumipas simula ng dumalaw kami sa Cavite. Ganun pa din ang sitwasyon namin ni Geoff nililigawan pa din niya ako. Nagdedate kami at kinikilala pa ng husto ang isat isa. Sa weekend ay balak naman namin kitain ang Parents niya sa Tagaytay dahil nandun daw ang mga ito sa weekend para sa business meeting. Sasabayan daw namin magluch ang parents niya. Nahihiya ako pero mapilit si Geoff at mabait naman daw ang Parents niya at sigurado daw siya na magkakasundo kami ng Mommy niya. Sabado ng Umaga ay sinundo na ako ni Geoff. Pupunta na kami ng tagaytay at mag iikot ikot daw muna kami bago namin kitain ang magulang niya. Tutal ay alas dose pa naman daw kami magkikita kita.  Nag breakfast muna kami sa MCDO. Bago daw kami pumunta sa Pink Sister church tapos ay pupunta din daw kami sa Picnic Grove at after lunch naman daw ay pupunta kami sa Sky Ranch. Anong gusto mo? Tanong ni Geoff. Pancake with spicy chicken and Hot chocolate na lang ang sa akin Geoff. Siya naman ay Mc Sausage muffin ang inorder at Iced Coffee. Buti at maaga tayong nakaalis para hindi tayo abutan ng traffic sa daan. Ang ganda ng View dito no? Isa ito sa mga paborito kong kainan kapag napupunta ako dito sa Tagaytay. Nakangiti niyang sabi. Oo nga sobrang ganda at sarap ng hangin dito Geoff. Nakakarelax. Nakaka stress naman kasi yang boss natin. Nakakagigil. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho ay matagal na ko nakipagsabunutan diyan kay maam. Natatawa kong sabi. Sira ka talaga. Pabayaan mo na siya alam mo naman na matandang dalaga yun at menopause na kaya ganun ang ugali. hahahaha tawang tawang sabi naman ni Geoff. Saya mo ahh? sabi ko sa kanya. Syempre kasama kita. Makita lang kita sumasaya na agad ang araw ko. yiiieeehhh. Pang aasar sa akin ni Geoff sabay kindat. Tawa naman ako ng tawa sa sinabi niya at hindi pinahalatang kinikilig ako. Ang corny mo koya. Sabay pisil sa ilong niya. Ano ba. Wag mo nga pisilin ilong ko baka mamaya may lumabas pa na sipon at kulangot dyan nakakahiya naman sayo. natatawa niyang sabi. Sa loob ng apat na buwan na panliligaw ni Geoff ay nakikilala ko na siya ng husto. Napakababaw lang ng kaligayahan nito at laging tawang tawa sa mga hirit ko lalo na kapag nag aasaran kami ni Moana. After namin kumain ay nagpunta ka sa Pink sster para magdasal. Ito daw ang isa sa mga sikat na Simbahan sa Tagaytay.  Alam mo ba ang kasabihan na sa unang punta mo sa isang simbahan ay pwede kang magsindi ng kandila at humiling at ito ay matutupad ? Sabi ko sa kanya. Talaga ba? Actually 1st time ko lang din dito. Tara magsindi tayo ng kandila. Excited na sabi ni Geoff Sabay kaming nagsindi ng kandila at nagdasal. After kong magdasal ay nakita ko siyang nakapikit ng taimtim at seryosong nagdadasal. Tinitigan ko siyang mabuti. Napangiti na lang ako dahil ang hiniling ko ay sana bigyan niya ako ng sign para malaman ko kung tama ba ang desisyon ko na sagutin na siya mamaya. At yan nga ang binigay ng Diyos na sign, ang pagbilis ng t***k ng puso ko ng makita ko siya na taimtim na nagdadasal. Salamat panginoon sa napakabilis na sagot. After namin sa simbahan ay nagpunta naman kami sa Picnic Grove. Nagpicture kami ng nagpicture at naglibot ng naglibot Napakaganda ng lugar. Bumili din kami ng strawberry taho na katulad ng sa Baguio. Alas onse na ng mag ayang pumunta na sa BUON GIORNO TWINLAKES kung saan namin kikitain ang Parents niya para maglunch. Pagdating namin duon ay humanga ako sa Ganda ng Lugar. Kitang kita ang Taal Volcano. Sa may Roofdeck kami  ng restaurant pumwesto para kitang kita ang view. Exclusive lang daw ito para sa aming apat. Kapag nandito daw ang parents niya ay dito daw talaga sila kumakain at nakareserve sa kanila ang spot na iyon. Kaibigan pala ng parents niya ang may ari ng restaurant. After 30 misn. ay dumating na ang Parents ni Geof. Napakaganda ng mommy nito at kamukhang kamukha ni Geoff ang tatay nito. Mukhang nasa 50 years na ang mga ito sa tingin ko. Mom, Dad please meet Margaux my future Girlfriend. Nakangiting pakilala sa akin ni  Geoff. Hi hija. Sabay beso sa akin ng Mommy ni Geoff habang ang daddy naman niya ay nakatingin lang sa akin at seryoso ang mukha. Nice to meet you Hija, sabi ng daddy niya. Nice to meet po Ma'am and Sir, Magalang na bati ko sa kanila. Oh call me tita beatrice Hija or you can call me Mom na. Natatawang sabi ng mommy niya. Napakabait ng mommy ni Geoff at sobrang daldal. Kabaligtaran naman ng daddy niya na sobrang tahimik at nakakatakot. So anong trabaho mo Hija? tanong ng Daddy ni Geoff. Tahimik lang ito kanina pa at parang ang lalim ng iniisip. Ngayon lang ito halos nagsalita. Magkatrabaho po kami ni Geoff isa po akong Senior account analyst. Nakangiti kong sabi sa kanya. So ano naman ang trabaho ng parents mo? Ang Papa ko po ay nagmamanage ng sakahan namin sa probinsya at mga tanim naming prutas at gulay na binebenta po dito sa manila. Ang Mama ko naman po ang nagmamanage ng maliit na tindahan ng tsinelas namin sa bayan.  I see. tumatango niyang sagot. By the way Geoff ilang buwan ka na din nagtratrabaho sa kumpanya na yan wala ka bang balak pa bumalik sa kumpanya natin? Dad naman. I'm just 27 yrs.old. Ang usapan natin ay kapag 30 yrs old na ako db? Nakangiting sabi ni Geoff. Ok fine. Basta pumunta punta ka naman sa opisina para kahit papaano ay magkaroon ka ng kahit kaunting background sa pagpapatakbo ng Business natin. Sabi ng daddy niya. Sure dad no problem. After ng isang oras ay nagpaalam na din ang magulang niya dahil may pupuntahan pa daw ang mga ito.  Nice meeting you Hija. I really enjoy talking to you. Nakangiting sabi ng mommy ni Geoff sabay beso para magpaalam. Tumango lang ang dad ni Geoff ng magpaalam ako dito. Grabe pala yung daddy mo Geoff nakakatakot. Pero ang mommy mo ay napakabait. Hahahaha ganun lang talaga yun si Daddy sa mga bago niyang kakilala pero mabait din yun at kwela. Natatawang sagot ni Geoff. Talaga ba? Kwela ba yun> Parng hindi ko makitaan ng bakas. Pabiro kong sabi Ikaw talaga. Mabait yun kapag nakilala mo ng husto at nakilala ka na din niya ng husto. Cge na nga. 1st meet pa lang naman namin. Pero di ba kasi may kasabihan tayo na 1st impression last? Hirit ko pa sa kanya. Well ang daddy ko ang magpapatunay sayo na hindi totoo yang kasabihan na yan. Natatawa niyang sabi. Ngumiti na lang ako sa kanya at nag aya na siyang pumunta sa Sky Ranch. Sasakay daw kami ng Ferris wheel na agad ko naman sinang ayunan dahil gustong gusto ko talagang sumasakay sa Ferris Wheel. Pagdating namin sa Sky Ranch ay sumakay muna kami ng ibang rides at naglaro ng mga games. Nanalo kami ng malaking teddy bear sa larong Shoot that Ring in the bottle. Binigay niya sa akin yung teddy bear at ilan pang mga stuff toy na napanalunan niya sa mga laro. Tuwang tuwa naman ako dahil ang dami naming napanalunan. Nilagay muna niya lahat sa kotse yung mga stuff toy at sumakay kami sa ferris wheel.  Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakakarelax ang dilim ng langit. Napakatahimik. Pumikit ako at dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Pagdilat ko ng mata ay nakatingin sa akin si Geoff at nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko, masaya ako at nakikita kong nakakaya mo ng ngumiti ulit ng totoo. Hindi nagpapanggap. Gusto ko ding makita ang mga ngiting yan ng ako naman ang dahilan Margaux. Wag kang mag alala maghihintay ako kahit gaano katagal. Ganun kita kamahal Margaux. Napangiti ako sa sinabi niya.  Alam mo Geoff sa totoo lang hindi ko din akalain na dadating ako sa punto na kakayanin kong maging masaya ng totoo ng wala si Mike. Akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay. Nakakalungkot lang na maaga siyang kinuha sa akin. Pero alam ko naman na may plano ang Diyos para sa akin. Para sa atin. Nakangiti kong sabi sa kanya. Para sa atin? Gulat na tanong sa akin ni Geoff. Oo para sa atin. Tingin ko tayo talaga ang gusto ng Diyos kaya kinuha niya ang mga una nating minahal. Pinagtagpo pero hindi tinadhana. Natatawa kong sabi sa kanya. Oo nga. Nakayukong sabi ni Geoff. Ahhh margaux pwede ba kong magtanong? nahihiya niyang sabi. Oo naman. Sabi ko. Ahmmm kelan mo kaya ako sasagutin? nahihiya niyang tanong. Pero no pressure margaux. Naitanong ko lang naman. Oo . Sabi ko ulit. Huh? naguguluhan niyang sabi. Oo nga sabi. Anong Oo nga? nagtataka niyang tanong. Oo. Tayo na. Sinasagot na kita? Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi yan Joke? Naninigurado niyang tanong. Gusto mo ba bawiin ko? Nakataas ang kilay na sabi ko. Siyempre hindi. Yeeeeeesssssssss girlfriend na din kita sa wakas. Masayang sabi niya. Please promise me Geoff na hindi mo ko iiwan. Hanggang kaya ko Margaux hinding hindi kita iiwanan. Salamat. Sabay halik sa labi ko. I love you Margaux. I love you too Geoff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD