CHAPTER 9

1901 Words
The next day, gano'n pa rin ang ginawa ni Jeremy. Pinaarawan niya si Ethan sa may b****a nang mansiyon. Kumunot ang kaniyang noo nang makaamoy siya ng kakatwang amoy. Maasim-asim na nanunuot sa kalalim-laliman ng mga butas ng kaniyang ilong. Bigla na lang niyang naramdaman na may mainit na bagay ang dumikit sa kaniyang palad na nakalapat sa puwet ni Ethan. Nang silipin niya ang puwetan nito ay basa na at kulay dilaw. "Ethan!" aniya. Nagmamadali niyang dinala si Ethan sa sofa. Sinigurado niyang hindi ito mahuhulog. Kumuha rin siya ng maligamgam na tubig na panlinis, bulak, at bagong diaper. Halata sa buong mukha niya ang excitement sa gagawin. Magmula nang dumating si Ada at Ethan sa mansiyon, araw-araw niyang nakikitang nililinisan ng kaniyang yaya si Ethan kaya memorya na niya ang gagawin. Tuwang-tuwa siya kay Ethan dahil habang nililinisan niya ito ay hindi man lang ito umiiyak. Hindi rin ito gaanong malikot. "Kaya gusto kita, eh," aniya kay Ethan. "Siguro alam mong ayaw ko sa batang maingay at malikot." He giggled. Proud na proud na naman siya sa isa sa mga first time niyang nagawa sa kaniyang buhay. "IS JEREMY HOME?" tanong ni Jake kay Nina pagkapasok niya sa mansiyon. Kasama niya sina Mark at Inigo. Isang linggo niya ring hindi kinontak at kinausap si Jeremy. Hindi pa nga rin nawawala ang tampo niya dahil sa hindi nito pagpunta sa kaniyang bachelor's party. But his wedding is two days away, so what can he do? "Sandali lang at tatawagin ko," tugon ni Nina. Umakyat ito at mayamaya ay bumaba na si Jeremy na may bitbit na sanggol na ikinalaglag ng mga panga nina Jake. "Are you kidding me?" bulalas ni Mark. "Is that a real baby?" Ngingiti-ngiting tumango si Jeremy. "Is that yours?" tanong pa ni Mark. Nakaisip ng kalokohan si Jeremy at tumango siya. Nasapo ni Jake ang noo. "Sinasabi ko na nga ba at isang araw may mabubuntis ka. Ayan na nga," aniya. "So that's the reason why hindi ka na namin mahagilap. May responsibilidad ka na pala," wika naman ni Inigo. "Anong hindi mahagilap? Nandito lang naman ako sa bahay. Hindi naman ako umaalis. None of you tried to reach me after the party." "Wala ba kaming karapatang sumama ang loob?" Ani Mark. "Hindi ka na nga tumulong sa pag-organize ng party. All you had to do was come pero hindi mo pa nagawa. Of course, we will feel bad." "I'm sorry," tugon ni Jeremy. "I really had an urgent matter to attend to." "At iyan ba iyang baby na iyan ang tinutukoy mo?" ani Inigo. "Exactly." "So, sa iyo nga iyan?" Ngumiti si Jeremy at umiling. "Of course not!" Sabay-sabay na napa-exhale sina Jake, Mark, at Inigo. "Walang makakalusot na sperm sa akin. Maingat 'to, ano!" ani pa ni Jeremy. "Ethan is not mine. I'm just helping his mother." Pagkawika ay sumulpot si Ada na bahagya pang nasurpresa na mayroon pa lang mga panauhin si Jeremy. "Hala, Ethan!" aniya. "May mga bisita pala si Tito Jeremy mo." Nahihiya niyang kinuha ang anak sa binata. "It's okay, Ada," wika ni Jeremy. "Who is she?" nagtatakang tanong ni Jake. "Her name is Ada, and she was the urgent matter that I'm telling you. The emergency I was talking about. It's a long story. Pero pwede namang umupo muna kayo kung gusto ninyong marinig ang kwento kung bakit inuna ko si Ada kaysa party," tugon ni Jeremy. Nag-excuse si Ada upang mabigyan ng privacy si Jeremy at ang mga kaibigan nito. Humingi si Jeremy ng alak na pagsasaluhan nila ng kaniyang mga kaibigan while they catch up with a lot of things to talk about. "So tell us, who's this Ada? What happened to her, and why is she here? Is she one of your —" "She's not," mabilis na putol ni Jeremy sa sasabihin ni Inigo. "I don't know Ada until that night..." He told them everything, and just like Nina, hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya sa kaniyang nagawa. "Wow, just when we all thought that you aren't capable of being selfless," ani Mark. "Kayo lang, eh," ani Jeremy. "Masyadong masama ang tingin ninyo sa akin. Kaagad ninyo akong hinuhusgahan." "Kadiri ka namang magdrama," natatawang wika ni Inigo. "Then p**e," tugon ni Jeremy. "Kidding aside, Ada is beautiful, huh!" wika la ni Inigo. Kaagad napatitig si Jeremy sa kaibigan. "Don't ever think of whatever," aniya. "Alam ko ang takbo ng utak mo. Parehas tayo mag-isip. Ngayon pa lang, sinasabihan na kitang huwag ituloy ang kung ano man ang binabalak mo." "Bro, what? Sinasabi ko lang na maganda si Ada. Ano ang mali ro'n? Masama bang i-appreciate siya?" "Walang masama, pero alam kung may balak ka." "Anong balak? At saka, if ever that's true, ano naman ang mali? Ikaw na ang nagsabi na single naman si Ada. She's not committed to anyone. Ibig sabihin, pwede siyang ligawan." "May anak na siya," mariing wika ni Jeremy. "So what? That doesn't make her less of a woman na karapat-dapat hangaan at ligawan." "Are you really serious?" seryoso ring tanong ni Jeremy. Humagalpak ng tawa si Inigo. "D*mn, bro! You got no chill today, huh. Una sa lahat, sinabi ko lang na maganda siya. Ikaw ang nagbigay ng ibang ibig sabihin do'n. At tungkol doon sa balak na panliligaw, I said 'if ever'. And to answer your question, I am not serious. She's beautiful. That's it." Tinongga nito ang bote ng beer. Tumango si Jeremy na tila ba nakontento sa sagot ng kaibigan. "How long do you plan to keep her and Ethan?" tanong naman ni Jake. "For as long as I can," tugon ni Jeremy. "Parang hindi na maaatim ng konsensya ko na hayaan silang umalis gayong alam ko na nasa panganib sila parehas. Dito, ligtas sila. Mapoprotektahan ko sila." Napailing si Jake. "May nag-iba sa iyo, bro. It's very sudden. Nakakapanibago. Parang hindi ikaw ang Jeremy na nakilala namin." "Walang iba sa akin. Ada and Ethan just need help, at may kakayahan akong tulungan sila. Bakit ko iyon ipagkakait?" tugon ni Jeremy. "I can see na attached ka na sa kanila, lalo na sa baby," wika naman ni Mark. "I'm afraid, pagdating ng araw, baka masaktan ka kapag kailangan na nilang umalis." "Hindi naman nila kailangang umalis," mabilis na tugon ni Jeremy. "I'm sure wala nang hahanapin pa si Ada rito. Bakit pa siya aalis? Kung ako nga lang ang masusunod, hindi niya kailangang magtrabaho. Pero alam kong kailangan din niyang magtira ng pride para sa sarili niya kaya hinahayaan ko na siya." "Nagdududa na ako. Mamaya gusto mo na si Ada." Jeremy chuckled. "No, I don't," tugon niya. "She's not my type. She's plain to me. Plain and boring. You should know, hindi siya pasok sa panlasa ko." "Hindi nga," ani Inigo. "Pero hindi imposible na ma-inlove ka sa kaniya lalo na at nakatira kayo sa iisang bubong. Palagi pa kayong magkasama. At higit sa lahat, umaakto kang ama ng anak niya." "Imposible. Higit sa lahat, kayo ang may alam na wala akong balak magpatali sa isang relasyon. Masaya ang maging malaya. Bakit ako magsi-suicide?" natitiyak na tugon ni Jeremy. "But what if kabaliktaran ang mangyari?" wika naman ni Mark. "Paano kung si Ada ang ma-inlove sa iyo?" "She better not. Masasaktan lang siya." Jeremy smiled. "Alam ko namang hindi imposibleng mangyari iyan. Pero malinaw naman ang ipinapakita kong intensiyon sa kaniya, at purong pagtulong lang iyon. Wala nang iba." "Sabi mo, eh," ani Mark. "Oh, siguro naman makakapunta ka na sa kasal ko," wika naman ni Jake. "Kapag hindi ka pa talaga pumunta, kalimutan mo nang magkaibigan tayo." "Pupunta ako," tugon ni Jeremy. "Kung gusto mo, mauna pa ako sa pare." Nailing si Jake. "Siraulo ka talaga." "Hindi ako si Jeremy De Vera kung hindi ako siraulo." He smirked. Tumongga rin siya ng alak. "By the way, ibig sabihin ba nito since isang linggo ka nang busy, tigang ka?" biro ni Inigo. "Tigang, your ass!" angal ni Jeremy. "Itinaas niya ang kamay at iwinagayway iyon sa harap ng mukha ni Inigo. "Mariang palad is really a life saver," natatawang wika ni Inigo. "But since nabanggit mo rin, lumabas tayo mamaya. Boys night out? Sagot ko." "Sure!" tugon ng mga kaibigan niya. Hindi nagtagal ay umalis din sina Jake. Magkikita-kita rin naman sila mamayang gabi. "Ano na naman ang plano ninyo?" usisa ni Nina kahit na narinig na niya ang usapan ng magkakaibigan. "Lalabas na naman kayo? Hindi ba't ikakasal na si Jake? Hindi ba dapat tumitigil na siya sa kakasama sa inyo nina Mark at Inigo?" "Yaya, iba naman ho si Jake sa amin. Sa aming apat, siya lang ang nag-iisang matino. At huwag na naman kayong mag-alala sa akin. Maghahappy-happy lang naman kami. Walang mangyayari sa akin. Baka sa amin ng makikilala kong chicks sa club, meron." Nahampas ni Nina ang binata. "Mas gusto ko pang nandidito ka sa bahay at nag-aalaga kay Ethan. Umiikli ang sungay mo. Mamaya, tutubo na naman iyan." "Yaya, you have to understand. Ethan will not change me as a person. Yes, I am very fond of him. At seryoso ako sa ginagawa kong pagtulong sa kanilang mag-ina. Pero ako pa rin ito, si Jeremy. Walang magbabago sa pagkatao ko. Tanggapin na ninyo, Yaya. Hindi na ako magbabago. Mahal naman ninyo ako, 'di ba?" "Mahal nga kita. Kaya nga paulit-ulit kitang pinaaalalahanan na magpakatino ka na." "Saka na, Yaya. I am just twenty-nine. Masyado pang maaga para maging boring ang buhay ko," tugon ni Jeremy. "Ewan ko sa iyo, Jeremy. Sakit ka talaga sa ulo. Huwag kang iiyak kapag namatay ako sa konsumisyon." "Kung mamamatay kayo sa konsumisyon, dapat noon pa. Ang kaso customized kayong ginawa ni Lord para sa akin kaya mataas ang tolerance ninyo sa akin." Ngumiti na parang aso si Jeremy na lalong ikinaasar ni Ada. "Mahal kita na parang anak ko, Jeremy. Pero hindi ko maiwasang magdasal sa Diyos na sana dumating na ang karma mo sa buhay at nang magising ka na. Matuto ka sana sa nangyari sa ama mo." Nawala ang ngiti sa mukha ni Jeremy. "Ganiyan na ganiyan din ang ama mo noon. Babaero. Ano ang nangyari? Tumanda siyang mag-isa at malungkot. Mabuti na lang at dumating ka. Kung hindi, hindi man lang niya malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay," wika pa ni Nina. "Huwag mong hintayin ang karmang sinasabi ko. Habang maaga pa, magbago ka na, Jeremy. Naiintindihan mo ba ako?" "Hindi naman ho krimen ang ginagawa ko, Yaya. Hindi naman ako masamang tao. Hindi ako kasal. Wala akong girlfriend. Wala akong niloloko," ani Jeremy. "Ano ang mali sa ginagawa ko?" "Alam mo ang mali sa ginagawa mo. Ayaw mo lang aminin," tugon ni Nina. "Ang babae, hindi laruan. Hindi sila putahe ng pagkain na pwedeng mong pagpakasasaan nang sabay-sabay hangga't gusto mo. Ang gusto ko, humanap ka ng babaeng seseryosohin mo. Iyong dadalhin mo sa altar at ihaharap sa Diyos." "I'm sorry, Yaya, walang kapasidad ang puso ko na magmahal ng babae in a romantic way. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko sa isang romantic relationship. Hindi talaga. Kung kaya ko sana, hindi ako ganito ngayon," tugon ni Jeremy. "I'm a free spirit, and I would love to stay this way." Tinapik niya ang balikat ng matanda at ngumiti siya. Pagkatapos ay umakyat na siya sa kaniyang kwarto. Napabuntong hininga na lang si Nina. Mukhang wala na talagang pag-asa pa si Jeremy. At natatakot siya para sa kinabukasan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD