Nagaalala at nagtatakang tiningnan ni Julie si Elmo. Aligaga kasi ito nang ibaba ang tawag.
"What's wrong?" She asked.
Elmo put his phone inside his pocket and started fishing for his keys. "It's Tiffany. Pinalayas na daw siya ng tito niya sa bahay nila."
"What?" Hindi rin makapaniwala na sabi ni Julie. Ganun ganun lang? Pinalayas na ito?
Wala pa rin sa sarili na napatayo si Elmo.
"Anong gagawin mo?" Julie asked. Elmo was already standing up and she was half doing so. Hindi lang niya kasi alam kung kailangan ba niya tumayo, sumama o ano.
"Pupuntahan ko siya."
Lumapit ang lalaki sa kabilang lamesa kung nasaan ang mga magulang at kapatid nila. Narinig ni Julie na nagpapaalam ito sa mga iyon at kita ang gulat sa muhka ng lahat. Pero muhkang hindi na ito pinansin ni Elmo dahil lumapit na ito muli kay Julie.
"I gotta go Julie. Sorry." He looked at her before walking away.
Naiwan doon si Julie na natatameme at hindi alam kung ano nga ba ang nangyari ngayon ngayon lang.
Gusto niya sana sundan si Elmo ang kaso ay malayo na ang naabot nito.
Tahimik lang siyang napaupo doon. Hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa mga kamay na magkalapit na nakapatong sa kanyang hita. Hindi siya makaimik sa nangyari. Napaisip lang siya.
"Jules." Narinig niyang lumapit sa kanya si Maxene at nagaalalang tiningnan siya. "What's this with Tiffany? Bakit bigla na lang umalis si Elmo?"
"Pinalayas daw po si Tiffany sa kanila ng tito niya. W-wala na po akong alam na iba." Sagot ni Julie. E sa totoo naman na hanggang doon lang ang alam niya. Ang alam niya ay bigla na lamang umalis si Elmo at pinuntahan si Tiffany.
Hindi na niya nakain pa ang natitiran pagkain niya sa plato. Nagaalala din siya para kay Elmo pati na kay Tiffany. Kung ano na ba ang nangyayari sa kanila.
Pinaguusapan ng mga matatanda at ng mga ate at kuya niya ang pagalis ni Elmo pero siya ay tahimik lamang na nakaupo doon.
Her finger hovered over the call button wondering if she should call Elmo. In the end she tapped the screen and brought the phone to her ear.
Only for Elmo to cancel. She tried two more times but he continued cancelling her calls. Naibaba niya ang telepono. Ngayon lang ganito sa kanya si Elmo ah. Dati ay hindi naman.
"Bunso, are you okay?" Tanong sa kanya ng ate niya.
Nakauwi na sila at ngayon ay nasa kwarto na si Julie. Gusto sana niya magpahinga kaso hindi siya mapakali. Wala kasi siya ideya kung ano na ba nangyari kay Elmo. At wala man lang initiative ang lalaki na itext o tawagan siya.
Hindi ka nga girlfriend Julie, nakalimutan mo na ba?
Kanina pa siya binabagabag ng sariling utak pero naisip din naman niya na di porke't hindi siya girlfriend ay hindi na siya pwede magalala.
"Tulog ka na bunso. Anong oras na o." Sabi pa sa kanya ni Angel at hinaplos ang buhok niya.
"Nagaalala ako kay Elmo ate eh."
Sa sinabi niya ay napabuntong hininga si Angel at umupo sa tabi niya sa kama. "Bunso, I don't want to see you hurting yourself over him."
Gulat na napatingin si Julie sa kanya. "A-ate..."
"I can see what's happening. Ate mo ako. Mabait na bata si Elmo but you can't let him keep taking you for granted like this."
"I don't want to lose him as a best friend ate. Kahit iyon na lang." Naiiyak na sabi ni Julie Anne.
Angel sadly looked at her younger sister and pulled her in for a hug. "I know baby but you have to sacrifice things like this. Paano ka makakaget over kung kasama mo pa rin siya diba? You'll still be his friend pero hindi yung kagaya ng dati."
Bago pa makasagot si Julie Anne ay siya namang rinig nila ang kotse ni Elmo. Napatayo si Julie mula sa kama at napasilip sa bintana ng kanyang kwarto. She saw Elmo parking his car inside their garage before going down. Derederetso itong pumasok sa loob ng bahay.
Kaagad na kinuha ni Julie ang kanyang telepono at tinawagan ang lalaki.
Gulat na lang din niya na sumagot kaagad ito.
"Hello?"
"Lahat I just heard you get home. Are you alright?"
"Yeah. I am Lahat."
"G-good." Ngayon hindi na alam ni Julie ang sasabihin niya. "S-Si Tiffany?"
Narinig niyang napabuntong hininga si Elmo sa kabilang linya bago ito sumagot. "She's okay. Pinatulog ko sa hotel ngayon."
"Oh...I'm glad she's alright then."
"Yeah me too." Elmo sighed from the other line yet again. "Listen Lahat, I'll talk to you tomorrow okay? Medyo napagod kasi ako."
"Ah sige sige."
"Bye Lahat."
"Bye." Julie slowly put the phone down just as Elmo ended the call. Napalingon siya sa kapatid niyang nakamasid sa kanya mula sa kama. Hinihintay nito ang sasabihin niya at napailing na lang siya. Kung ano ano kasi tumatakbo sa isip niya ngayon pero ayaw na lang talaga niya doon ituon ang pansin.
"Matulog na po ako ate, medyo napagod din po ako ngayon eh."
Alam ni Angel kung ano ang sinasabi ng kapatid at hinayaan na lang niya ito. Pinahiga niya ito sa kama at siya pa ang nagkumot dito.
"Sleep na." Angel said, kissing Julie's forehead.
Ito na rin ang nagpatay ng ilaw at naiwan sa dilim si Julie Anne. Ang kaso lang, dalawang klase ng dilim ang kinaroroonan niya ngayon.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
"Tanga ka kasi! Wag ka na magpapakatanga!"
"Salamat Maq ah, true friend ka talaga."
"Si Maqui pa!"
Inirapan ni Maqui ang mga kasamahan. Nakatambay kasi sila sa playground ng village nila at umiinom ng gulaman pati kumakain ng siomai.
"E gaga kasi 'to eh!"
Natatawang napapailing na lang si Julie. Alam naman kasi niya na tama ang sinsabi sa kanya ni Maqui. Alam niyang gaga siya at nagpapakatanga kay Elmo. Sinusubukan naman kasi niya kontrolin eh.
Ayan kaya ito at nagpapatintero nanaman silang dalawa. Ang masakit lang, kahit si Elmo ay lumalayo na sa kanya. Nung nakaraan kasi siya talaga ang umiiwas pero ngayon pati si Elmo ay hindi na siya hinahanap. She didn't know if that was a good thing or not.
"Alam mo Jules..." Simula ni Joyce dahilan para mapatingin silang lahat sa kanya. "Hayaan mo si Elmo. Siya naman ang mgaususffer eh. Tanga ba siya? Julie Anne San Jose na yon tapos papakawalan pa niya. So it's his loss!"
"Yan naman gusto ko sayo Joyce eh!" Cheer pa ni Maq sabay tingin kay Julie. "Tama siya bes. Kasi sino ba mawawalan. Diba siya din naman? Put yourself in a pedestal."
"Tama Jules." Sang-ayon pa ni Nadine. "I mean, Elmo's our friend and all pero kung hindi talaga. E wag na. Masyado ka maganda para maghabol no!"
They all nodded their heads except Tippy. Kaya naman napatingin ang iba dito.
"Huy Stephanie! Magsalita ka naman!" Sabi ni Maqui.
Gulat na napatingin sa kanila si Tippy. Parang ang lalim kasi ng iniisip nito. Bumuntong hininga ito bago sila tingnan.
"Wala. Sayang kasi e. Pakiramdam ko may gusto din naman talaga si Elmo kay Julie."
"Well he has a funny way of showing it." Sabi ni Joyce. Umirap pa ito bago muling tingnan si Julie Anne. "Just remember Jules, we got your back okay?"
Julie smiled at them. At least she had her friends.
Patuloy lang sila sa paginom ng soft drinks nang makita nila na may isang moving van na paparating.
Nagkatinginan silang lahat.
"May bagong lilipat?"
"Oo dyan ata sa dating bahay nila Mrs. Montero." Nginuso ni Tippy ang bahay na nasa tapat lang nila.
Pumanaw na kasi si Mr. Montero nung nakaraang taon kaya naman sumama na sa anak sa America si Mrs. Montero. Ibinenta na nito ang bahay nila sa village at hayaan nga at may lilipat na bago.
Kasunod ng moving van ay isang kotse at para silang mga tanga na nakaabang sa baba.
Bumukas ang pinto at isang batang babae ang mabilis na bumaba at muhkang excited pa ito na nakatingin sa paligid.
Nagkatinginan ang mga dalaga.
"Bata pala." Sabi naman ni Maqui.
"Bakit Maq? Naghahanap ka ng lalaki?" Pangaasar ni Joyce.
"Wag mo ko ginaganyan singkit." Irap ni Maqui.
Lalo lang natawa si Joyce. "Oo nga pala. Para kay Kuya Frank lang yang puso mo."
"Alam mo naman pala eh."
"Hahaha!"
Nakisali sa tawanan sila Julie. Kung hindi kasi ito ang nangaasar ay si Maqui ang inaasar.
Hindi pa sila tapos sa pagtatawa nang marinig nila ang boses ng batang babae.
"Kuya look!"
Sa tinis ng boses ng bata ay mahirap na hindi ito marinig. Sabay sabay silang napalingon kung saan ito nakatayo ngayon at nakita na may kasama pala ito.
Katabi ng bata ang isang lalaki. Hindi sila magkamuhka pero halata na magkapatid sila. Matangkad ang lalaki. Lean ang katawan pero halatang nagbubuhat.
Napasulyap ito sa kanila. Blangko lang ang ekspresyon sa muhka.
Pasimpleng tiningnan din ni Julie ang lalaki. Saka niya nahalata na dumako ang tingin nito sa kanya. Hindi siya nagpahalata at kunwari ay uminom na lang sa kanyang soft drinks.
Ang mga kasamahan naman niya ay hindi iba sa eksena at tipong halatang halata ang pagnuod.
"Carlos! Gelly tara na!"
A middle aged woman called and the young man and little girl turned away and entered the house.
Sumulyap ulit ang lalaki kay Julie bago nito hawakan ang kamay ng nakababatang kapatid at pumasok na sa loob ng bahay.
Ilang segundong nanaig ang katahimikan sa pagitan nila nang sabay sabay na napatingin ang lahat kay Julie Anne.
"Taraaay."
"Haba ng hair."
"What're you guys talking about?" Julie looked at her friends.
"Bakla ka! Yung pogi!" Sabi ni Maqui. "Lagkit makatingin sayo te!"
"Huh? You guys are delusional." Julie shook her head.
"Tanga ka nga."
"Salamat talaga Maq ah." Simangot ulit ni Julie sa kaibigan.
"Yan na siguro ang totoo mong forever te!" Pilit pa ni Maqui. "Tutal tanga to si Elmo edi kawalan na niya yon!"
"Sira!" Iling na sabi ni Julie Anne. "Ilusyon ka nanaman."
"But Maq's right." Biglang sabi ni Tippy. "I mean. You can't sit around and wait forever for Elmo."
Lahat ng sinasabi ng kaibigan niya sa kanya ay pumapasok sa utak niya. Pero mabilis siyang napailing at uminom na lang sa kanyang soft drinks. Yeah, Elmo didn't like her back. But she wasn't going to use some guy just to move on. That was like cheating herself. Kung makakahanap man siya ng ibang lalaking mamahalin, ay dahil handa na ulit ang puso niya at hindi dahil pinipilit niya ang sarili niya. At bata pa siya. She hardly knew anything about life to worry about things like this.
Mag-isa siyang naglalakad pauwi noon. Tinapon niya ang hawak na plastic ng softdrinks sa malapit na basurahan at tinuloy ang paglakad.
Papalapit na siya sa bahay nila nang mapansin niyang may dalawang pigura na naguusap sa harap ng bahay nila Elmo.
Nakaupo lang sila sa gutter at nagtatawanan.
Gabi na kaya naman hindi halata na papalapit na siya.
"Salamat Elmo ah. Saka pasensya na sa abala. W-wala kasi ako ibang kaibigan na talagang tutulungan ako eh. Savior talaga kita."
"Hey. It's alright. I can't let you just roam around the streets when I know I can help you."
Pinanuod ni Julie na magusap ang dalawa at magngitian. Nakaupo lang naman ang mga ito pero nakaramdam siya ng kirot sa puso. At ang masakit pa, patuloy lang niyang pinapanuod sila.
Saka lang siya napatigil dahil napansin niyang nakita din siya ni Elmo.
Napatayo ito mula sa pagupo sa gutter.
"Lahat."
Napailing siya nang tawagin siya ng ganun ni Elmo. It was a silly nickname but it meant more to her.
"Hi Elmo." Simple niyang bati. Sumilip siya sa likuran ni Elmo at nginitian si Tiffany. "Hi Tiffany."
"Hey Julie." Sabi naman ni Tiffany na may maliit na ngiti sa muhka.
Katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo.
"Handa na pala kayo sa first day?" Tanong pa ni Tiffany.
"Ah oo." Sagot naman ni Julie. Napatingin siya kay Elmo. Ayaw niya tanungin pero gusto lang niya makasigurado.
"S-sabay pa rin ba tayo bukas?" Dahil lagi naman talaga sila magkasabay sa umaga simula pa ng bumalik ito galing sa States.
"Uh..."
"Ah. Sabay ba kayo?" Singit ni Tiffany bago makasalita si Elmo.
Tumingin naman si Julie at ang lalaki dito kaya tinuloy niya ang sasabihin.
"Nako nakakahiya pala. Wag mo na lang ako sunduin bukas Elmo."
Julie looked at her "best friend". "Susunduin mo pala siya?"
"Ah, oo. Wala kasi siya kotse eh." Napakamot sa likod ng ulo si Elmo.
Pero kaagad naman nagsalita si Tiffany. "Nako nakakahiya wag na pala. Okay lang ako Moe."
Gusto itaas ni Julie ang kilay. Moe?
Ang mga ka-close lang ni Elmo ang tumatawag dito ng ganun.
"Pero paano ka pupuntang school?"
Pakshet hindi ba siya marunong magcommute?
"I'll figure something out." Mahinang ngiti ni Tiffany. Tipong parang nagpapapilit pa.
Julie already knew what was happening. She shook her head slowly and before nodding her head at them.
"Deh. Okay lang. May kotse naman ako." She gave them a small smile. "Kita kita na lang tayo bukas. Sige. Goodnight."
Binilisan niya pumasok sa loob ng bahay. Narinig pa niyang tinatawag siya ni Elmo pero derederetso lang siya sa loob.
Nabagsak pa niya ang pinto sa lakas ng emosyon niya ngayon.
"Julie Anne! Bata ka sisirain mo ba yung pinto?" Bungad sa kanya ni manang. Nandoon pala iyon at naglilinis ng living room.
"Ah. Sorry po manang." Sabi niya. Naglakad siya at naupo sa sofa.
Linapitan siya ng matanda. "Bakit anak?"
Baka tama si Maqui. Tanga nga siya.
Nagdesisyon siya sa sarili niya. Tumingin siya kay manang at nagbigay ng malungkot na ngiti. "Tanga nga siguro ako manang."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: No more na ba haha napakanta ako charot! So nagdesisyon ako na mas maikli mga update ko para mas mabilis ang flow :D any thoughts? Hahaha! Thanks for reading! Votes and comments please!
Mwahugz!
-BundokPuno<3