Napa-atras ang nurse nang biglang bumaba sa hospital bed si Cale at kahit babae ang nurse ay kinwelyohan niya ito. Para siyang tigreng handang manakmal kahit sa isang maliit na pagkakamali lang ng nurse. Nagulat naman ang nurse sa nangyari. Hindi ito makapaniwalang ang pasyenteng ito ay mas malakas pa sa kalabaw kahit puno ito ng sugat. "Sir! N-nagbibiro lang naman po ako! Pasensya na po! P-please, bitawan niyo na po ako." Halos maiyak na saad ng nurse. Natauhan naman si Cale. Pinagpag niya ang hospital gown na parang walang nangyari at bumalik sa bed. Humiga siya doon at sinamaan ng tingin ang nurse. Alam niyang maling kwelyohan ang taong inosente. At lalong hindi siya dapat nananakit ng babae. "Nakuha mo pang mag biro?! Sa tingin mo, pwede gawing biro ang ganoong ka-seryosong pinag-

