Chapter 18

1744 Words
Tuesday, six-forty in the morning, ready nang pumasok sa skwela si Dash dahil maaga ang schedule ng class niya ngayon pero nakatangap siya ng mensahe na walang pasok lahat ng departments, and the reason is unknown, they never explained it. Total ay nakaligo naman na siya, napag-isipan niyang magpalit ng komportableng damit. Mukhang mapapa-aga ang lakad niya. Babalik na sana siya sa kanyang kwarto nang tumunog ang kanyang cellphone, nang tignan niya ang tumatawag ay caller ID ni Cale ang naka-flash sa screen. Takang sinagot niya ang tawag ngunit hindi pa man siya nakakasabi ng hello ay nagsalita kaagad si Cale. "Huwag kang umalis ngayon, delikado." Cale's voice was urgent and worried. Sumiklab ang pagtataka ni Dash and for the second time around, he was about to question Cale but he beat him to it. "Tumawag ba ang school sa iyo at sinabing walang pasok?" "Oo," takang sagot niya, "Teka, ano bang nangyayari?" Nakarinig siya ng buntonghininga sa kabilang linya at kaluskos. Tila nag-aalinlangan pa itong magsabi sa kanya. Kahit nag-aalala ay hindi magawang pangunahan ni Dash ang nangyayari, he patiently waits for his answer. "May pinatay sa loob ng school kaninang madaling araw," problemadong saad nito. Napaupo siya sa couch. Mukhang naiintindihan na niya kung saan galing ang pag-aalala ni Cale. Nahulaan niyang inuna na nitong tawagan si Raven para balaan ang dalaga. Pero bakit tila sobra naman yata ang pag-aalala nito? It seems like there's more to it than what he knows. "Pinatay nila ang isa sa mga kasamahan namin, pinatay nila si Zarmen!" puno ng galit na dagdag ni Cale, "Ihanda mo ang mga gamit mo, Dash. Susunduin kita ngayon din." "Teka, teka, saan tayo pupunta?" "Sasabihan nalang kita kapag nagkita na tayo, sa ngayon bilis bilisan mo ang kilos mo dahil anumang oras ay baka ikaw ang isunod nila." Nagmamadaling pinatay ni Cale ang tawag, naiwan namang nagtataka si Dash pero kahit ganoon ay sinunod niya ang nais nito. May importante pa sana siyang pupuntahan, pero mas importanteng malaman niya kung anong nangyayari. Maiintindihan naman siguro ng taong iyon ang hindi niya pagsipot sa usapan. ILANG minuto lang ay nakarinig siya ng busina, sumilip siya sa bintana mula sa kanyang kwarto. Nakita niyang lumabas sa isang itim na sasakyan si Cale at Raven. Hindi na nahintay ng mga itong pagbuksan niya ang naka-lock na gate at parang mga akyat bahay este expert na tinalon ng mga ito ang gate at umakyat papapasok. Kinuha niya ang bagpack na puno ng importante niyang gamit at sinalubong ang dalawa. "Pwedeng pakisabi muna kung anong nangyayari at bakit ako nadadamay dito?" salubong niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawa bago tumango si Raven. Hinila siya ni Cale patungo sa labas kahit hindi pa niya nasasarado ang front door ng bahay. Nakita niyang sinira ni Raven ang lock ng gate sa isang sipa lang nito. "Every gangster underground is hunting us down," panimula ni Cale nang makapasok sila sa sasakyat. Speechless naman siya sa bilis ng mga pangyayari. Pinaandar ni Raven ang makina at inapakan ang gas, kulang nalang lumipad sila sa bilis ng pagpapatakbo nito na parang may naghahabol sa kanila. "Hindi ko aakalaing bubuhayin ng arena ang matagal na panahong pananahimik ng larong iyon," madiing ani ni Cale at hinapas pa ang dashboard, "Putangina nila." "Laro?" walang alam na tanong niya. "It's a game called Haunted. Lahat ay pwedeng makilahok, no actually lahat ay kalahok at wala kang magagawa kundi ang sumali sa laro. Dahil sa oras na tumangi ka, papatayin ka nila." Kumunot ang noo ni Dash. "Sa larong ito, pipili ang committee ng groupong magiging target ng lahat. The rules are simple, kill the target." "Akala ko ba gangsters kayo? Bakit may patayang pinag-uusapan?" Doon nagtaka si Dash nang bahagyang tumawa si Cale. Sinilip siya nito mula sa rearview mirror at ngumiti. "We are gangsters, yes. Gangsters under a cruel mafia called Black Blood." Black Blood... Napasandal siya sa upuan at timitigan ang likod ng dalawang taong may kaugnayan sa pangalang iyon. "I know what you're thingking, our gang's name is Black Blood, how come it's also the name of a mafia group?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig dito. Mabilis parin ang takbo ng sasakyan, hindi sila sa main road dumaan at hindi alam ni Dash kung nasaan na sila ngayon dahil puro puno nalang ang nakikita niya at wala rin siyang nakikitang ibang sasakyan. "Sa totoo lang, ang groupo lang namin ang under sa mafia na iyon. Wala kaming choice noon, kaya kumapit kami sa patalim." "Ano ba kasing nangyayari?!" Dash was getting impatient. Ang dami nang nangyari simula noong nakilala niya ang mga ito, he got involved in the underground, was a target of the gangsters, and now this. "Years ago, Raven got badly hurt and was dying. Paano ba naman kasi, tinangap ang imbeta ng mga yakuza sa japan para sa isang underground tournament. Nanalo nga siya pero nag-aagaw buhay naman." Sinulyapan niya ang nananahimik na si Raven. Matalas ang mata nito sa daan at mahigpit ang kapit sa manubela, hindi niya alam kung naaapektohan ito sa pinagsasabi ni Cale. Tensed ang buong katawan nito, pasulyap sulyap sa salamin at hindi binabagalan ang takbo ng sasakyan. "We were so young that time, hindi namin pwedeng sabihan ang mga magulang niya dahil pinagbabawalan siya ng mga itong bumalik pa sa underground, so to pack things up lumapit kami sa mafia. The mafia did all the things for us, gave her parents an alibi and shouldered the hospital expenses, in exchange they want us to work under them. Hindi naman mabigat ang pinapagawa nila, hindi pa kami nakakapatay ng tao pero hindi ako magmamalinis na hindi masama ang ginagawa namin. It's even worse than killing people." "So? Ano-ano ang mga ginawa niyo?" NILINGON ni Cale si Dash sa backseat. He is unusually calm and collected. A total opposite of what he expected, ang akala niya ay pagpapawisan na ito sa sobrang kaba at takot kagaya noong una nitong malaman na gangsters sila. Pero hindi ngayon, parang normal lang dito ang lahat. Kahit sa mabilis na takbo ng sasakyan ay hindi manlang ito natinag. Tama nga siya. May kakaiba dito. But something deep inside him is saying to trust the man sitting behind him. His instinct is talking, and he has to give attention to it. It is possible that Dash is acting ever since he came to their school. There's a high possibility that he is an enemy. Pero noong unang beses itong makapasok sa bahay niya, nakaramdam siya ng sincerity mula dito. Dash respected his privacy and never pester him about his past. Doon niya napagtantong may kakaiba nga dito pero parang napapalapit na din ang loob nito sa kanila. Muli niyang binalik ang tingin sa daan, malapit na sila sa hideout. "We torture people, the mafia do the killing, we do the less dirty works for them," tipid na sagot niya dito. "Ano naman ang kinalaman doon sa larong sinasabi mo?" "Like I told you, under kami ng mafia, mas malakas at mas malawak ang koneksyon nila kesa sa amin. And the mafia runs the underground arena, wala mang patayang nagaganap doon pero binabawi naman nila iyon sa pamamagitan ng larong Haunted na nangyayari kada dekada. They get to choose whose the target and we are the target." "Oh? I thought you are undee the mafia? You even used their mafia name." "A few months ago, bumuwag na kami sa mafia. Hindi nila nagustuhan ang ginawa namin kaya akala namin papatayin nila kami. Nagtataka nga ako kung bakit ang tahimik nila, may niluluto palang pasabog ang mga iyon." "Bakit naman ako nadamay dito?" Nilingon niya si Dash at ubod ng tamis na ngumiti dito. "Unang tapak mo palang sa arena, naging isa ka na sa amin." Sa gulat niya ay biglang tumawa si Dash na parang may sinabi siyang joke dito. Nagkatinginan sila ni Raven na kanina pa tahimik. Tinitigan niya lang ito hangang sa narating nila ang hideout. Hindi pa rin ito maawat sa pagtawa, hinayaan niya nalang at lumabas sa sasakyan. Sinalubong sila ng mga kasamahan nila na naunang dumating dito sa hideout. Located ito sa labas ng syudad, tago at walang mga kabahayan. Binili niya ang lupang ito pero ibang pangalan ang ginamit niya para hindi kaagad sila matunton ng mga kalaban. "Cale, narecover na ang bangkay ni Zarmen, kasalukuyang nasa kamay ito ng pamilya niya. Hindi tayo pwedeng lumapit dahil baka pati sila ay madamay," salubong ng kasamahan nila na si Tony. Napasulyap ito kay Dash na lumabas sa sasakyan at nagpapahid pa ng luha sa mata. Kunot noong tumitig sa kanya ang kasama. "Bakit kasama mo ang taong iyan?" Hindi pala nito kilala si Dash, hindi na kasi nag-aaral si Tony kaya kung wala silang laban ay nakatambay lang ito sa hideout nila. Nagkataong nasa ibang bansa naman ito noong dinala niya si Dash sa arena. "Si Dash, kaklase namin ni Raven sa isa sa mga subjects namin. Dinala ko na rito dahil baka siya ang isunod ng mga iyon," pinaliwanag niya sa kasamahan kung paanong nadamay ang kaklase niya pero kunot pa rin ang noo nito at masama ang titig kay Dash. "May problema ba?" Sa gulat niya, biglang naglabas ng baril si Tony at kinasa iyon bago tinutok sa ulo ni Dash. Mabilis namang humarang si Raven at tinutukan din ng baril si Tony. "Step aside Raven," madiing utos nito. "What's your problem?" Raven asked coldly. Napaatras siya ng ilang hakbang habang nakataas sa ere ang kamay. Alerto namang nagsilapit ang mga kasamahan nila at naglabas din ng baril, nagdadalawang isip kung kanino itutuk ang armas. "I said, step aside." HINDI nakinig si Raven, kinasa nito ang baril, handa itong iputok ang armas anumang oras. Nakita ni Dash na walang alinlangan ang dalaga kaya hinawakan niya ito sa balikat para pakalmahin, kahit mukha naman itong kalmado. Nang tignan niya kung sino ang may ganang tutukan siya ng baril ay doon sumeryoso ang mukha niya. "If it isn't it Tony Cabardo," ani niya, "Never thought I'd see the head's beloved son in this area." "Umalis ka na sa lugar na ito kung ayaw mong kumalat ang pira-pirasong utak mo dito," babala nito habang hindi natitinag sa pagtutok ng baril. WARNING: Hello, the next chapter will be a special chapter promoting my other stories. Pwede niyo pong iskip or it's up to you kung babasahin mo o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD