CHAPTER 02

1010 Words
JERICHO POV "Brad? Sa daming nag bibigay sayo ng chocolate at cake araw araw. Busog na busog na sana kami. Kaya sana tanggapin mo naman." Pangungulit sakin ni Thurston kanina pa. "Tignan mo 'tong tao na'to ang tahitahimik!" Dagdag niya pa. Pero nag patuloy lang ako sa pag lakad at di na muna siya pinansin. "Brad silent type eh haha! Ako nalang kasi kausapin mo." Singit naman ni Jake. Di kasi ako pala salita kung nonesense lang din naman. Ako yung tipong habulin ng babae. Sabi pa nila nasa akin na daw lahat. Wala naman akong pakialam hindi naman ako bakla. Ayoko lang sa makukulit na babae na sunod ng sunod kahit saan ako pumunta. Yung tipong alam na nila halos lahat ng ginagawa ko. Genius, Gwapo at Mayaman yan ang meaning ng simple kong pangalan na JERICHO para sakanila. Bakit ba kasi may mga taong nag aaksaya ng panahon para lang sundan ako? Kunan ng picture, ilagay sa net, mag kunyaring ako o ano kaya naman ay mag chat sakin. Kaya halos lahat na yata sila naka block sakin sa social media. f******k nga lang mayroon ako pero yung mukha ko daig pa artista kung san san nakakarating minsan nga nag trending pa sa ibang social networking site ganoon sila katindi. "Ay! Sorry!" Sigaw ng babaeng nakabanggaan ko. "Bago ka ba dito? Sana nag iingat ka!" Sigaw ni Thurston sa naka tapon sakin ng juice. Asar ang aga aga minamalas na ko. "Hindi okay lang. Sa susunod kasi gamitin mo yang utak mo." Inis na sabi ko sabay lakad. Ang dami nanamang nakatingin. Kaya naman hindi ko nalang pinsansin yung lagkit at nilampasan siya. "Lahat talaga brad ng babae gagawin makalapit lang sayo. Tulad nito." Mayabang na sabi ni Wes habang tinuro ng darili sa noo yung babae. Napailing nalang ako habang naiinis. "Pwede ba? Tanggalin mo nga yung kamay mo sakin?!" Sigaw pa niya. Hindi ko napigilang mapa smirk sa ugali niya. Siya pa ngayon ang matapang?  "Wes!" Sigaw ni Thruston kay Wes ng sapakin siya nung babae at mapaupo sa harap ng maraming tao. Ngayon lang siya napahiya ng ganon. Nasisiraan na ba siya ng bait? "Aba!! Mayabang ka ah!" Sigaw pa ni Wes kaya naman minostrahan ko na si Thruston ng makita ko yung pag amba niya ng suntok sa babae. Pinigilan naman siya ni Thruston at pinakalma. Nakakahiya sila.  "Wag mo kong dinuduro wala akong kasalanan sayo! Kaya wag kang mayabang!" Sigaw pa ulit niya kay Wes.   "At talagang! Ikaw yari ka talaga sakin!" Nang gagalaiti na sabi ni Wes kaya naman mas hinigpitan pa ni Thurston ang hawak niya. Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang dalawa habang tumitingin sa malayo. Nakakahiya talaga sila. "Hoy PANGET!" Nakatingin na sabi niya sakin. Ako? Ako ba yung tinatawag niya? "Ako ba?" Gulat kong turo sa sarili ko habang nakatingin siya ng masama sakin. "Oo ikaw nga! Sorry ah! Pag sabihan mo 'tong kaibigan mo!" Dagdag niya pa habang dinuduro si Wes. Hindi ko magawang mag react sa sinabi niya. Aba! Kahit kailan hindi pako napag sasabihan ng panget sa boong buhay ko. Malabo ba mata niya? "Hoy babae! Sino panget sinabi mo ha?!" Sigaw nung isang babae sa gilid. Ang iba niya namang kasama ay kumakaway sakin. Napairap nalang ako at muling tinignan yung babae na tumawag sakin ng panget. "KAYONG LAHAT!!" Sagot niya sabay walkout bago pa makalapit sakanya yung mga babae. Grabe di ako makapaniwala sa ugali niya. Siguradong di siya tatagal dito pag ganyan siya. "Huh?! Tignan mo 'yon! Siya may kasalanan siya pa may ganang magalit?! At sinapak pa ko ah!" Inis na sabi ni Wes habang sinasalat yung pisngi niya. "Masakit ba brad?" Loko naman ni Thurston. Habang ako, di ko mapigilang sundan ng tingin yung babaeng tumawag sakin ng panget. Sino ba siya? Ang pag sabihan ako ng panget?! Ngayon ko lang narinig at sa babae pa nang galing ah. Malabo na ba talaga yung mata niya o bulag na siya?! ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ "Ma? May ibibida ako sayo na nangyari sa school." Nag mamadali kong sabi kay Mama. "Alin 'yon? Tungkol nanaman ba sa binusted mo?" Sarcastic niya lang na sabi habang tumatawa pa. Kaya naman napailing nalang ako. "Hindi Ma! Alam mo kasi kanina. May tumawag sakin ng panget! At babae pa talaga! Hindi ako makapaniwala!" Sumbong ko kay Mama. "Ha? Saang banda?" Gulat ding tingin sakin ni Mama habang inuusisa pa kunyari yung mukha ko. Wag na kayong mag taka. Proud akong Mama's boy. "Grabe nakakainis pala mapag sabihan ng panget!" Sumbong ko pa ulit. 'Para akong bata. Alam ko wag niyo nalang pansinin -_-' "So? Nakahanap ka ng katapat mo?" Tawa pa ni Mama. "Katapat Ma? Panget kaya yung nag sabi sakin! Di kami level!" "Kayabang mo talaga. Pustahan tayo maiinlove ka pa 'don eh." Biro ni Mama sabay tawa at pumuntang kusina. Sinundan ko naman siya at nag muryot ulit. "Ma?! Nag bibiro kaba?! Maging zombie na lahat ng tao! Di ko 'yon magugustuhan!" Agad agad na sabi ko. "Nako anak ayoko pang maging zombie." Tawa nanaman niya kaya naman napa make face nalang ako at naupo sa isang gilid. 'Ayan kahilig kasi manood ni Mama ng korean novela pati ako nadadamay.' Kinabukasan, unang klase sa school pero hindi ako excited. Wala kasing special at kakaiba sa araw na'to. Ordinary day 'YON ANG AKALA KO. "Bakit kaklase ko siya?" Bulong ko ng mahina habang nakatingin dun sa babaeng nanapak kay Wes kahapon. Kaklase ko din naman sila Wes. Kaya nga napansin ko na agad yung masamang tingin niya dun sa babae. Na kala mo sasabog na siya sa inis.  At may isa pakong napansin lahat ng kablock naming babae nakatingin sakin. Yung totoo lang ah? Main attraction na pala ko dito. Ngayon ko lang nalaman. Napaismid nalang ako habang umaalis ng tingin sa mga babaeng nakangiti sakin ng wagas ngayon. Nagulat nalang ako ng inirapan ako nung babae na 'yon. Ang tapang talaga! Panget! Hay nako naalala ko nanaman yung sinabi niya. Don't dare na mainlove siya sakin papahirapan ko talaga siya! Yari talaga siya sakin! Yung tipong pag tritripan ko talaga siya. Nakakainis. ELIZA POV Pag minamalas ka nga naman. Kaklase ko pa yung mga mayayabang na'yon. Tsk. Kala mo naman kay gwa-gwapo. Lalo na yung isa na'yon. Titingin tingin pa siya sakin. Inirapan ko nga! Asa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD