Kaira Cailie "PANOORIN mo ako mamaya, Rara! CHEER ME!" sigaw ni Yanyan habang nakapikit at naka-Indian seat. Nag-yo-yoga daw siya para sa laban niya later sa Taekwondo. Preparation pa kuno. "Ayoko nga! Tinatamad ako," sabay higa ko sa damuhan. Tamad na tamad talaga ako ngayong araw. Usually hindi naman talaga umattend sa mga intrams na ‘to. Kapag pinapanood kolang talaga si Yanyan sa laban niya. " ‘Di mo ba naalala yung sinabi ni Leyley nung isang araw? Na panoorin mo daw ako para maikwento mo sa kanya kung paano ko patumbahin ang mga kalaban ko." Oo nga pala. Nakausap na namin si Leyley dalawang beses sa isang linggo. Ilang buwan pa lang siyang nagpapagamot pero kitang-kita na agad ang pagbabago—'namumutla,' 'payat,' at 'matamlay.' Naawa ako sa pinsan ko. Ang bata pa niya pero andam

