UNTI-UNTI kong minulay ang mabibigat na talukap ng aking mga mata. Tumambad saakin ang nakakasilaw na ilaw at ang kulay puti na kisame. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa Loob ako ng Kwarto at doon ko nalang napagtanto na nasa hospital pala ako. Tumingin ako sa side ko at nakita ko si Kuya Keny na nagbabasa ng magazine habang nakaupo siya sa sofa. "Ku-kuya." nanghihina ko paring bigkas. Binaba n'ya naman ang hawak niyang magazine saka niya ako tinignan saglit at lumabas. Ang sungit. ‘Di man lang ako linapitan para kamustahin. Pinilit kong umupo sa hospital bed na ito kahit mahirap. Tinignan ko ang braso at kamay ko. Napakadaming galos at pasa. Sunod kong tinignan ang binti ko. Napaka rami kong sugat. "Aww,” napangiwi ako sa sakit ng maramdaman ko rin na naka benda ang ulo ko. Bigl

