Jaicy's POV Pula ang buong mukha at leeg ko nang makalabas kami ng k'warto. Alam kong alam ni Ryu na naiilang ako sa presensya n'ya pero mas lalo pa n'yang dinidikit ang sarili n'ya sa 'kin. "B—Bitaw nga," nauutal na saad ko at mahinang hinampas ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. Hindi s'ya kumibo. Pinagtitinginan na kami dahil sa itsura naming dalawa. Ayaw kong maging assuming pero para kasi kaming magnobyo sa posisyon namin ngayon. Hindi naman kasi kagaya sa probinsya ay mas tanggap na ng mga tao sa syudad ang ganitong relasyon. Wala naman sanang problema kaso hindi naman s'ya ang boyfriend ko kundi ang kapatid n'ya. "Do I make you uncomfortable?" bulong n'ya sa tainga ko. Bahagyang tumaas ang balahibo sa balat ko nang dumapo ang mainit n'yang hininga sa akin. "Oo kaya bita

