Chapter 08

1343 Words
Jaicy's POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano laruin ni Jane ang p*********i ni Lei. "Ahhh... Ughhh..." ungol niya habang inaalalayan ang ulo ng dalaga. Nakatuon ang atensyon nila sa kanilang ginagawa at hindi ako pinapansin. Parang tinakasan ako ng boses ko at hindi ko magawang magsalita. Parang kanina lang ay si Ryu ang kausap n'ya. Kung maaga bang nakauwi si Ryu ay 'yan din ang gagawin nila? Bigla kong naalala ang bilin sa 'kin ni Tito. Nangako ako sa kanyang babantayan ko ang mga anak n'ya. Ano'ng gagawin ko?! Sinubukan kong ibuka ang nanunuyot kong mga labi pero walang lumabas na boses mula sa 'king bibig. "What?" Napatingin ako sa gilid ko nang magsalita si Ryu. Nakapamulsa s'yang nakatingin sa 'kin. "You're having fun watching them?" nanunuyang saad n'ya habang blankong nakatingin sa 'kin. Mabilis akong umiling. Sasagot pa sana ako nang bigla n'yang hablutin ang nanlalamig kong kamay. Kinaladkad n'ya ako paakyat at naiwan namin ang dalawang patuloy pa rin sa ginagawa nila. Nakita ko ang sarili kong nakaupo sa kama n'ya. Tulala lang ako sa sahig at hindi alam kung ano'ng dapat i-react sa nangyari. Hindi naman ako inosente sa gan'yang bagay. Nakabasa na rin ako ng mga erotikang pocketbooks pero iba pala talaga kapag nakasaksi ka sa personal. Ni hindi ko nagawang ilayo ang tingin ko sa kanila dahil sa sobrang gulat. Napahawak ako sa dibdib kong parang sasabog na sa sobrang kaba. "You're acting like you've never done it," malamig na wika n'ya. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Hindi pa naman talaga," naiilang na sagot ko. Hindi nga ako pumapasok sa mga relasyon eh. Alam n'yo naman ang sitwasyon ko 'di ba? Tumaas ang kilay n'ya sa sinabi ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dumaang saya sa mga mata n'ya. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin s'ya sa 'kin. Pinagmasdan ko ang nakamedyas kong mga paa. Naiilang ako sa atmosphere ng k'warto ni Ryu. Gusto kong magpaalam pero hindi ko alam kung paano ako lalabas ng bahay nila. Sigurado akong madadaanan ko na naman 'yong dalawa at baka this time ay mas malala na ang ginagawa nila. Baka gumagawa na sila ng baby. Napatigil ako sa paglalaro ng mga kamay ko nang may tumapat na baso sa mukha ko. Tinaas ko ang tingin ko kay Ryu. Blangko pa rin s'yang nakatingin sa 'kin habang hawak ang isang baso ng tubig. "Drink this and calm down. I'll bring you over to your house," walang emosyong saad n'ya. Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya bago ko naisipang tanggapin ang baso. Tahimik akong uminom ng tubig habang pinipigilan ang sariling mamula sa hiya. That's... That's thoughtful. Hinatid nga ako ni Ryu sa bahay. Mabuti na lang at hindi na namin naabutan sina Lei sa sala. Lumipat na yata sila ng k'warto. Pagpasok ko ng bakuran ay agad akong lumingon sa kanya upang magpaalam. "S—Salamat," nakangiting sambit ko. Tumango lang s'ya. Aalis na sana s'ya nang bigla s'yang humarap ulit sa 'kin. "See you later." "H—Huh?" "Tita Olive's birthday party." Napatango naman ako. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon. "S—Sige. Thank you ulit!" nakangiting sagot ko. Pinanood ko s'yang maglakad pabalik sa bahay nila. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at saka pumasok sa loob. — Mabilis na lumipad ang oras. Nabanggit ko kay Mama ang tungkol sa birthday ng nanay ni Mike. Gaya nga ng hula ko ay tuwang-tuwa si Mama dahil makalilibre raw kami ng hapunan. Masarap din kasi mag-kaldereta si Tita Olive kaya excited si Mama. Tagal na rin nilang hindi nakapag-usap dahil abala si Mama sa paghahanap buhay. Close kasi sila ni Tita eh. Hehehe. Kaya nga kahit abutin ako ng gabi sa bahay nina Mike ay ayos lang kay Mama dahil alam naman n'yang hindi ako pababayaan ng mga ito. Maaga pa lang ay pinabalot na sa 'kin ni Mama ang regalo namin kay Tita Olive. Hindi gano'n ka-mahal pero hindi naman materialistic si Tita kaya alam kong kahit simple lang ang regalo namin, matutuwa pa rin s'ya. Sinuot ko ang pinakamaayos kong damit. Gusto ko sanang iwan ang T-shirt ko na nakabuyangyang pero baka mangatal naman ako sa lamig. Lalo na at gabi kami pupunta roon. Ganda pa naman sana ng nakasulat sa damit ko. Just Do It! "Sunduin mo na 'yong dalawa," utos ni Mama. "Para sabay na tayong pumunta roon. Sabihin mo ay magdala ng jacket, ha?" Tumango ako kay Mama. Sinubukan kong umakto ng normal. Hindi pa rin tuluyang nawawala sa isip ko ang nakita ko kanina pero sinasaksak ko na lang sa kokote ko na normal lang naman sa 'min 'yong mga lalaki. Sa kanila pala. "Lei! Ryu! Bihis na ba kayo?" malakas na tawag ko. Sinarado ko ang pinto at diretsong umakyat ng hagdan. Sakto naman ang pagbukas ng k'warto ni Lei at Ryu. Ngumiti ako sa kanila. Kapwa bihis na ang dalawa at halos manlaki ang butas ng ilong ko sa pinaghalong matapang na pabango nila. "Tara na. Hinihintay na kayo ni Mama," nakangiting sabi ko at nauna nang bumaba. Bumuntot naman sila sa 'kin. "Naku! Ang guguwapo naman ng mga binatang ito," komento ni Mama habang nakangiting pinagmamasdan ang katabi kong si Ryu at Lei. "Maliit na bagay Tita," sagot ni Lei at pilyong ngumiti. "Ako, 'Ma?" tanong ko at ngumiti ng pagkalawak lawak. Natatawang ginulo ni Mama ang buhok ko. "Ang bait talaga ng anak ko," tugon n'ya na ikinahaba ng nguso ko. Halos maubusan naman ng hininga si Lei sa kakatawa. "Joke lang anak. S'yempre naman at napakaguwapo rin ng anak ko. Kulang lang sa height," pang-aasar pa ni Mama. "Mama naman eh!" "Hahahaha!" "Tara na't pumunta na tayo. Baka abutin tayo ng malalim na gabi," saad ni Mama. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa may kalakihang bahay nina Mike. Oo, malaki! Magaling kasi sa negosyo ang tatay n'ya kaya nakapagpundar ng malaking bahay. Ang galing nga eh! Kahit na medyo angat na sila sa buhay ay patuloy pa rin ang pagiging masipag nilang lahat. Ni minsan ay hindi nila nilutang ang paa nila sa lupa. Pagpasok pa lang namin sa loob ay masayang musika na agad ang bumungad sa amin. Binaling ko ang tingin ko sa mga matandang nagkakantahan sa may sala. Sa kusina naman ay malayang nakabuyangyang ang mga masasarap na pagkain. "Happy birthday!" masiyang bati ni Mama kay Tita Olive. Mukhang nagulat pa ito at niyakap pabalik si Mama. "Naku! Nag-abala ka pa Susan," nakangiting sambit ni Tita matapos tanggapin ang regalo. Ngumiti ako nang tumingin sa amin si Tita. "Aba'y nandito pala ang mga bagets. Ito na ba ang anak ni pareng Otep?" "Happy birthday po," bati ni Lei. "Salamat iho. Napakaguwapo n'yo namang magkapatid. Nakita n'yo na ba si Mike?" tanong ni Tita. Sasagot pa lang sana kami nang may kumausap kay Tita na bisita kaya naiwan kaming apat sa may pinto. "Jaicy, doon kayo sa bakuran. Nandoon ang mga ka-edad n'yo. Puro matanda kasi dito sa loob," nakangiting saad ni Mama. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Automatic na pumulupot ang kamay ni Lei sa baywang ko nang makaalis na si Mama. "Ang ingay naman," natatawang bulong sa 'kin ni Lei. Bahagya rin akong napatawa dahil totoo naman. Mukhang lasing na 'yong lalaking kumakanta at pasuray suray na ang tono. Naglakad kami patungo sa bakuran. Doon namin naabutan ang mga ka-edad naming abala sa pagkukuwentuhan habang sumasayaw sa masayang musika. "Jaicy!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at napaatras ako nang salabungin ako ng mahigpit na yakap ni Mike. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n'yang nakadikit sa maliit na katawan ko. Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at ngumiti. "Hello Jaicy..." nakangising bati n'ya. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig n'ya. "Lasing ka ba?" Inosente s'yang umiling. "Hindi," nakangiti pa rin n'yang sagot. Napatingin ako kay Lei na mukhang nagulat din sa akto ng mahiyaing si Mike. Sa tabi n'ya ay si Ryu na halos magpantay na ang kilay sa sobrang kunot ng noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD