Jordan POV "Sa akin ka lang tumingin" ang seryosong sabi ko sakanya. Bigla nalang ako nainis ng nakatingin siya kina Jm at Gov. Samantalang kanina pa ako nakatingin sa kanya. Kanina lang ay napansin kong lumabas nalang bigla si Albie sinundan siya ni Sarah. Di ko alam bat bigla nalang siya umalis. Kinakahiya ba niya ako na kaibigan niya? Bago ako pumasok sa loob kanina nag ipon muna ako ng maraming lakas. Sobrang kaba at takot ko bago ako pumasok dito sa loob. Ang di ko lang inaasahan na ama pala ni Albie si Alfonzo. Di ako tumingin kay Albie pero alam ko at ramdam ko na nakatingin siya sa akin kanina. Si Alfonzo na di ko inaasahan na magkikita kami sa lugar na ito at lalong lalo na sa oras na ito at sa lugar na to. Di ko talaga inaasahan na Daddy pala ni Albie si Alfonzo

