Jordan Pov Umuwi muna ako sa apartment para maligo at mag ayos ng sarili ko. Kailangan ay fresh look ako para agad magkaroon ng guest. Pagkababa ko sa jeep sumalubong agad sa akin ang madaming tao nagpupunta sa eskinita at ang malalakas na sound system ng ibat ibang bar sa eskinita. Buti pa ang mga tao dito nagpupunta para magpakasaya samantalang ako pupunta dito para magtrabaho. Balang araw ay magagawa ko din ang gusto kong gawin kapag nakagraduate at nakahanap ng isang maayos na trabaho. "Ooohhh Jordan" nabigla ako kay Mamu nang sinalubong niya ako "Mamu naman nakakagulat ka" "Naku naman Jordan di kana nasanay sa akin." inilingkis niya ang kamay niya sa braso ko "Napagisipan mo na ba ang alok ko sayo" ang malanding sabi niya sa akin. Muntikan ko na makalimutan ang alok ni

