Jordan POV Mahirap pagsabayin ang trabaho at pag aaral. Naninibago pa ako. Nahihirapan pero kaya kong tiisin para makaipon at mabuhay ko ang aking sarili. Mas ok nga ito dahil may permanente akong trabaho. Kampante ako na may papasok na pera buwan buwan. Di tulad noo di ako sigurado kung magkakapera ba ako. Salamat talaga natanggap kami sa Helix Bar. Salamat kina Sarah at Albie. Kahit abala ako sa trabaho ko ngayon ay di ko naman napapabayaan ang aking pag aaral kung minsan nga lang nakakalimutan ko na may project at assignment pala kami. Kopya nalang ako sa mga kakalse ko. Buti nalang mababait sila. Ilang araw na din ako nagtratrabaho sa Helix Bar. Noong Grand Opening di ko inaasahan na sobrang daming pumunta puro mga mayayaman at kilalang tao. Hinahanap ko nga noon si A

