Alfonzo Pov Napapayag ko si Albie na kumain araw araw ng almusal bago siya pumasok sa school. Alam kong di niya maiwanan ang kotse niya. Regalo namin ni Fatima ang kotse ni Albie dahil nag graduate siya ng High School. Kanina pang umalis si Albie. Marami din siyang nakain. Mukhang nasarapan siya sa mga niluto kong breakfast sakanya. Bigla kong naalala. Kung saan nagtumutuloy si Albie kapag di ito umuuwi ng bahay? Gusto ko itanong sakanya kaso baka mabadtrip ito sa akin. "Manang paki ligpit nalang itong pinagkainan namin." Ang utos ko kay Manang Rose. "Sige po ser. Mukhang marami ang nakain ni Ser Albie ah" "Oo sana tuloy tuloy na to Manang" ang ngiting sabi ko sakanya. Pumunta na ako sa kuwarto kung saan pinaayos ko ito kay Manang. Ito ang magiging office ko sa bahay.

