Excited ang lahat na makita ang pag dating ng bride ilang sandali na lang ay mag uumpisa na ang engrandeng kasal ni Bruno.Maraming kababaehan ang naiinggit sa babaeng nakabihag sa puso ng binata. Ang mga babaeng nagpapa-pansin sa binata ay hindi man lang niya tinapunan ng tingin.Napapasimangot ang mga ito ng deadma lang sa binata. Kinakabahan at excited at the same time ang pakiramdam niya dahil magiging asawa na niya si Rochelle.Ilang araw din silang hindi nagkita ng dalaga dahil hindi niya akalaing sa panahon ngayon naniniwala pa rin sa mga pamahiin ang mga kamag anak nito. Nainis siya pero wala rin siyang nagawa dahil iyon ang kagustuhan ng magulang ng dalaga total naman ay ikakasal na rin sila. Nagkaroon ng konting ingay ng dumating na ang bridal car kung saan sakay ang dalaga. "H

