Halos hindi niya alam ang gagawin sa dalaga.Hindi pa rin siya kinakausap nito at iniiwasan siya. Nakiusap si Rochelle sa kaniyang mga magulang na wag muna siyang ipakasal sa binata. "Pa please pag bigyan niyo naman ako kahit ngayon lang,hindi pa po ako handang mag pakasal.Wag niyo naman madaliin aayusin ko naman itong gulong binigay ko sa inyo please."pakiusap ng dalaga sa kaniyang ama. "Nagpabuntis ka tapos sasabihin mo sa amin na hindi ka pa handa?Anong kalukuhan ito Rochelle?"galit na turan ng ama. Napayuko ang dalaga hindi niya kasi pwedeng sabihin sa mga ito na ayaw niyang pakasal sa binata ng hindi naman siya mahal nito.Masakit para sa kaniya na pakakasalan lang siya nito dahil sa batang dinadala niya. Kung magpapakasal man siya dito iyong mahal siya nito at hindi napipilitan la

