Chapter 1

1101 Words
Napapahagod sa kaniyang batok ang binata habang hinaharap ang mga papers na dapat niyang pag aralan. At age 27 he's a successful business man and a land developer. Ilang Condominiums at Resort din ang pag aari niya. Marami ring project na hawak ang Company nila tulad na lang ng Carmella Exclusive homes at Royal Crown Exclusive homes halos mayayaman lang ang nakatira.Meron ding siyang bubuksan naHousing  Project para sa middle class at sa mahihirap na hirap makapag pundar ng sariling bahay at lupa. Bruno managed his company very well without the help of his father and family. Abala rin kasi ang kaniyang ama sa pamamalakad ng isang malaking hospital sa ibang bansa kasama ang Mommy Issah niya na nakasuporta sa kniyang ama. Malapit siya sa kaniyang Uncle Sam na big brother ng kanyang ina na si Issadorah. Graduate na ng College si Rochelle pero until now ayon tambay pa rin siya at member ng PAL...as in palamunin pero wag ka hindi naman siya inoobliga ng magulang na magtrabaho. Spoiled siya ng kanyang magulang kahit na nga Hindi sila mayaman. Lahat naman ng kailangan niya pinipilit ibigay ng kaniyang mapagmahal na magulang. Siya lang kasi ang precious child at nag iisang prinsesa ng mga Escobido. Ang kanyang ina ay isang hamak na mananahi lang at ang kanyang tatay Roger ay isang emplyedo ng isang pabrika sa lugar nila. Abala sa pagdutdot sa kanyang smart phone ang dalaga na nakahiga sa mahabang sofa. Halos maghapon na siyang nakatutok sa internet. Simula ng mauso ang internet at smart phone ay hindi niya tinantanan ang amang hindi siya mabilhan ng gadgets na USO sa panahon ngayon. Pati ang pagpapakabit ng WiFi ay hindi nakaligtas.Aanhin nga naman niya ang gadget kung walang internet? Wala namang angal ang mga ito dahil sila na rin ang nag spoiled sa kaisa isang anak na babae. Hangga't kaya nilang ibigay ay ibibigay nila alang alang sa nag iisang anak. "Oh my goddddd!!!!tili niya Damn....shit!! inis na maktol niya ng matalo sa COC. "Badtrip naman o!"angal niya. Simula ng maglaro siya nito ay naadik siya,sumali pa siya sa clan para sa grupong adik din sa larong COC. Saan ka pa! siya na si Rochelle Escobido ang babaeng graduate ng BSED major in English at SPC pero ito dakilang tambay na spoiled pa,sarap ng buhay ng Prinsesa ng mga Escobido. 'Ni ang maghugas ng plato hindi na inasahan ng magulang ang maglaba pa kaya? Minsan kasing naglaba siya dahil may sakit ang kanyang loving mother ginawa niya ang ipaglaba ito. Mangiyak ngiyak siya sa dadalawa pa lang piraso ang nalalabhan niya ay kanda iyak siya sa hapdi ng magkasugat sugat ang kaniyang mga kamay. Kaya hindi na rin siya inaasahan ng ina sa paglalaba. Kung sa paghahanap naman kasi ng trabaho ang mag applay bilang teacher o kahit man lang tutor ay inayawan na niya kesyo naisip niyang bored lang kung magtuturo at sakit ng ulo sa makukulit na studyante ang aabutin niya. Nais niyang sa Manila maghanap ng work kaya lang ayaw siyang payagan ng tatay niya dahil wala sila ni isang kamag anak o kakilala na pagkakatiwalaan para sa kaniya. Baka mapahamak lang daw siya,lalo na daw at maraming naglipanang lulong sa droga ngayon at masasamang loob. Minsan na rin siyang nag apply sa lugar nila madalas nga tinatanggihan siya dahil bata pa daw siya. Madalas siyang pagkamalang high school. "Grabe naman sila porke ganito lang height ko." Naibaba niya ang kanyang phone ng malakas na tili ang marinig niya na papasok sa kanilang bakuran. Boses pa lang nito kilalang kilala na niya. Makabasag eardrum ang kaibigan niya at dating kaklase sa High school. Dalawang kanto lang ang layo ng bahay nito mula sa kanila. "Ano ba Jesselle jusko tumalsik ata ang tutuli ko sa tili mo. Ano ba iyon at napasugod ka?"tanong ni Rochelle sa hinihingal na kaibigan. "Friendship I have a good news for you."excited na sabi nito. "And what is that hmm...??"ani Rochelle. "Taray umi-english pero sige na nga pero libre mo ko mamaya ha."hirit nito. "Libre agad agad di mo pa nga sinasabi iyong good news na iyan,kung nanalo ako sa lotto sige ba libre kita ng cheese burger."sakay ni Rochelle. "Grabe siya oh,lotto agad eh hindi ka nga tumataya paano ka mananalo."ani Jesselle "Eh gagah andami mo pa kasing pakalye serye straight to the point agad.Paexcite ka eh ano ba iyon?" "Ang good news ay may trabaho ka na friendship." "Trabaho?how come?di naman ako nag aplay ah?"ani Rochelle na may pagtataka. "Sa pinapasukan kong Hardware,naalala mo minsang nakalimutan mo iyong mga requirements mong naiwan sa bahay a months ago pa,pinakialaman ko ipinasa ko kay Boss Sugo. Tayming girl na nagresign si Katherine na dating cashier kaya tinanggap ka."paliwanag ni Jesselle. "You mean kahit di ako personal na nag apply tinanggap agad ako ng boss mong mukhang bisugo?este boss Sugo mo pala."ani Rochelle "Not bad kesa tambay ka lang dito,magbanat ka rin ng buto noh!ayaw mo nun magkasama tayo sa work. Isa pa hindi ka na mapapagkamalang high school na nag cutting class lang. Alam mo namang type ka ni Boss Sugo kaya hired ka agad." "Lakas din makasira ng araw iyang boss sugo mo bagay na bagay sa mukha niyang Bisugo. Pero okay na rin bawi naman sa pag hired niya sa akin,not bad pwede ng pag tiyagaan kesa nman nganga di ba. Alam mo namang ideal ko mag work sa Manila o kaya model kaya?"ani Rochelle na binibiro ang kaibigan alam naman niyang malabo mangyari iyon. "ASA ka pa,kakaCOC mo nagkalamat na ata brain mo."pang asar ng kaibigan niya. "Grabe to itakwil kaya kitang kaibigan,maganda naman ako,makinis kahit morena." Tumayo ito at naglakad na parang model sa harap ng kaibigan na parang rumarampa. "Oo na maganda ka na,makinis kutis na pang artista kulay na ma Alma Morena pero ang height friendship pang Antonette Taus lang maganda pero cute."anang kaibigan na si Jesselle. "Dami mong alam!sige na tatanggapin ko na iyong job na iyon kahit na sa hardware lang,kailan ba magsisimula?" "Maka lang to matinong trabaho iyon,hardware nga lang pero okay na iyon may sasahurin ka kesa mag adik ka sa COC na iyan,nabubutas lang naman ang bulsa ni Mang Roger sa kababayad ng wifi niyo. Balita ko nga ipapaputol na ng tatay mo iyong WiFi niyo dahil dalawang buwan ng di nababayaran goodbye COC ka ngayon."anang kaibigan. Mahina kasi ang kita ng Nanay niya nitong nakaraan. Ang tatay naman niya hindi ganun kalaki ang sahod sa pabrika. Kaya naman natutuwa siya sa hatid na balita ni Jesselle. Mas lamang nga lang na mas gusto niyang sa Manila magtrabaho kahit na pahirapan mag apply dahil sa height niya Hindi naman siya unano nasa 5"2 ang taas niya. Madalas lang talaga siyang pagkamalang high school kahit na nga 22 na siya.May magagawa ba siya kung sadyang maganda at cute siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD