Natapos ang Acquiantance Party nang alas-sais ng umaga. Pinaformation muna sila at maya-maya ay inutusan silang maglinis ng covered court at ayusin ang mga monobloc chairs na ginamit.
Naiwan rin ang SSG officers para maglinis ng covered court. Sila na ang gumawa sa pagtanggal ng mga designs at tela na ginamit.
Tahimik na nagsasalansan ng mga monoblock si Love. Akmang hihilain na niya ang mga nasalansang upuan ng biglang may nagbuhat ng mga upuan upang ilagay sa gilid.
"Hi, Love. Tutulungan na kita sa mga upuan para hindi ka masyadong mapagod." Masiglang wika ni Gelo.
Napabuntong hininga si Love. Imbes na nakalimutan na niya ang pagcoconfess ni Gelo ay naalala niya ulit tuloy.
"I-ikaw ang bahala." Tanging tugon ni Love. Hinayaan na lamang niya ang binata na tumulong para na rin mapadali ang paglilinis nila.
Nang matapos ay umupo lang si Gelo sa stage at doon ay tumambay. Kinakausap niya ang ibang SSG officers at tila kinikilig ang mga ito sa kanya dahil sa angkin nitong kagwapuhan.
Nagformation uli ang mga 4CL at maya-maya ay pinapunta na sila sa DMST office.
Nakahanda na doon ang boodle fight breakfast nila at talaga namang nakakagutom tignan. Kahit mga inaantok sila at pagod ay ganado pa rin ang lahat na kumain.
Pagkatapos nilang kumain at makapaglinis, hindi nagtagal ay pinauwi na rin sila.
Pagbaba pa lang nila sa ground floor ay natanaw na agad ni Love si Gelo. Nais niya sanang magtago pero huli na ang lahat dahil nakita na siya nito.
Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Nakita rin ng mga 2CL si Gelo at kilala nila ito dahil isa siya sa Military Police.
"Uy Gelo, anong ginagawa mo pa dito?" Masiglang bati ni Caballero. Sinaluduhan naman siya ni Gelo pero hinampas lang siya sa balikat ni Caballero.
"Hinihintay ko po si Love." Tapat na tugon nito sabay turo kay Love.
Napalingon naman agad sina Caballero at ibang 2CL officers kay Love na may tingin na tila nakakaasar.
Nang mapadaan na siya sa harap nito ay sumabay na ito ng paglalakad sa kanya. Panay pa rin ang tingin at lingon sa kanila ng mga 2CL.
"Yiiieh!" Kinikilig na sabi ng mga ito.
Napapailing na lang si Love. Ito ang isa sa ayaw niyang mangyari. Ayaw niyang maissue. Maliit lang ang mundo at nag-aalala siya na baka makarating kay Cherry ang balita na nililigawan si Love ng kaklase niya. Natatakot si Love na makarating sa Uncle at Auntie niya at baka maging sanhi pa ng pagtigil niya sa pag-aaral.
"Gusto mo, ako na magbuhat ng gamit mo?" Tanong sa kanya ni Gelo. Agad namang humindi si Love.
Hindi talaga sang-ayon si Love sa naisip ni Gelo. As in sobrang ayaw niya.
"Kaya ko na ito." Maikling tugon ng dalaga.
Nais sanang maglakad na lamang ni Love dahil marami naman siyang makakasabay ngunit dahil nandiyan si Gelo ay nagbago na ang isip niya.
Pagkarating nila sa paradahan ng tricycle ay agad na sumakay si Love at nag-isang biyahe na siya. Pinaalis niya agad ang tricycle at nagwave siya upang magpaalam.
Nakita man ni Love ang lungkot sa mga mata ni Gelo ay hindi na niya iyon masyadong inisip pa. Ayaw na niyang makonsensya, gusto na lang muna niyang matulog nang sa gayon, makapag-isip na siya ng tama pagkagising niya.
Mabilis na nakauwi sa kanilang bahay si Love. Naabutan niyang nag-aalmusal ang kanyang uncle at auntie.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nakauwi si Cherry ah. Kanina pa siya bumabawi ng tulog." Masungit na sambit ni Charity.
"Hindi naman po kasi kami sabay talaga makakauwi ni Cherry, auntie. Dahil after po ng party, naglinis pa po kami ng covered court. Nagsalansan pa kami ng mga ginamit na upuan at pinakain pa kami ng almusal sa office namin." Tugon ni Love sa tiyahin niyang masungit.
"Oh! Iyon naman pala eh. Sabi ko naman sayo hindi mo kailangan alalahanin pa si Love." Sabat naman ng kanyang Uncle Reynold.
Napataas naman ang kilay ng tiyahin. "Excuse me, 'no! Sino may sabi sa iyo na nag-aalala ako diyan?" Masungit na ani nito at talagang umirap pa ito sa harap ng pagkain.
Nagmano si Love sa kanyang uncle at akmang magmamano rin sana siya sa kanyang auntie ngunit tinabig nito ang kanyang kamay.
"Iyan nanaman ang auntie mong allergic sa maganda." Nagbibirong sabi ng tiyuhin sa asawa nito.
Napangiti na lang si Love at dumiretso na ito sa kanyang kwarto. Nais na niyang makapagpalit agad ng damit at humilata sa kama.
ARAW NG LUNES. Pagkapasok na pagkapasok niya sa gate ng paaralan ay hindi na mapakali si Love. Palinga-linga siya sa kapaligiran dahil sa pag-aakalang nasa paligid lang si Gelo at baka mamaya'y lapitan siya nito.
Hindi iyon maaaring mangyari sapagkat kasabay niya si Cherry. Natatakot si Love sa posibleng maging bunga kapag nakarating ang balita sa kanyang uncle na nagpapaligaw siya.
Nakahinga ng maluwag si Love ng matiwasay siyang nakarating sa harap ng silid-aralan nila.
Pagpihit niya sa pinto ay nandoon na ang karamihan sa kanyang mga kaklase at wala pa ang kanilang professor. Ngunit ang pinagtataka lamang niya ay biglang tumahimik at pagtingin niya sa kanyang upuan ay mayroong nakapatong na isang bungkos ng bulaklak sa armchair.
Nang malapit na siya sa kanyang kinauupuan ay biglang lumakas ang kantiyawan dahil pumasok naman sa kabilang pinto o sa exit si Gelo at may dalang gitara. Napatigil si Love sa paglalakad at nanatili sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang kapaligiran. Ramdam na ramdam rin niya ang pagdaloy ng init paaakyat sa kanyang mukha.
Nilapitan naman agad si Love nina Monic at Jai at siya ay niyugyog ng niyugyog. Halos malamog rin ang kanyang balikat at braso dahil sa mga kaklase niyang babae na tumatapik sa kanya at mas kinikilig pa ang mga ito kaysa sa kanya.
"Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka."
Sobrang lakas na ng hiyawan ng kanyang mga kaklase ngunit hindi nagtagal ay sinabayan nila ito sa pagkanta.
Hanggang sa makarating si Gelo sa harap nito. At ang kanilang supportive na kaklase ay iniabot kay Gelo ang isang bungkos ng bulaklak na nasa armchair ni Love at ang binata na mismo ang nag-abot ng bulaklak sa dalaga.
Tinitigan lang ni Love ang bulaklak at tila hindi siya makagalaw upang kunin iyon. Kung kaya, ang kaibigan na lang ni Love na sina Monic at Jai ang kumuha ng bulaklak na galing kay Gelo
"Puno ng langit ang bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo."
Pagkatapos ng chorus part ay nagpalakpakan ang kanilang mga kaklase. Nasa loob na rin pala ang kanilang professor at ang lawak ng ngiti nito sa mga labi.
Nagsibalikan na uli sa kani-kanilang pwesto ang lahat.
"Napakasweet naman. Kayo na ba?" Tanong ng kanilang guro.
Mabilis namang umiling si Love.
"Nililigawan pa lang po, Ma'am." Sagot naman ni Gelo.
Natawa naman ang kanilang professor. "Grabe makailing si Miss Paulo ah. Strict ba ang parents?"
Nahihiya na lang na napangiti ng pilit si Love. Hindi na lamang niya sinagot ang tanong ng professor dahil ayaw na niyang pahabain ang usapan.
Nais na lamang niyang maging isang kamote para nakalubog sa lupa at walang makakita.
Hindi siya natutuwa sa ginawa ni Gelo. Ngunit natatakot rin naman itong magsabi sa binata na tigilan na niya ang mga ganitong gawain.
Mabuti na lamang ay hindi siya ginugulo ni Gelo sa kanilang buong klase. Hindi niya rin ito pinapansin at ni hindi niya ito tinatapunan ng tingin kahit na ba alam niyang palaging nakatitig sa kanya ang binata. Kahit sa ganoon man lang ay maipakita ni Love na ayaw nitong magpaligaw.
Pinapanalangin pa nga ni Love na sana ay makaramdam si Gelo na ayaw niyang magpaligaw para hindi na siya mahirapang i-reject ang binata.
NANG matapos ang kanilang klase sa buong maghapon ay hinintay siya ni Gelo na makalabas ng rest room dahil nag-ayos sila Jai, Monic at Love para maghanda sa pagpunta nila sa DMST office.
"Anong oras ang uwi ninyo mamaya?" Tanong ni Gelo.
"Iba-iba eh. Depende kung anong oras nila kami pauwiin." Tugon ni Love.
"Ah sige, okay lang. Hihintayin ko na lang ang uwian ninyo." Ani Gelo.
"Naku, huwag na. Mauna ka na umuwi. Huwag ka na mag-abala na hintayin pa ako." Agarang pagtanggi ni Love.
"Hindi, sige okay lang talaga." Makulit nman na sagot ni Love.
Naiinis na tinignan ni Love si Gelo at nilagpasan na lamang niya ito.
"Ang kulit. Sabing huwag na eh." Pahabol na sabi ni Love.
Nanalangin na lang si Love na sana ay maramdaman ni Gelo na ayaw nga nitong magpahintay at sana ay umuwi na ito ngayon sa kanilang bahay.
Pagdating sa DMST Office ay nakasimangot si Love na nag-enter kasama si Jai at Monic.
Wala naman itong kaso ngunit napansin agad ng mga officers ang dala-dalang bouquet ni Monic at Jai.
"Oh para kanino iyan? Para sa akin ba iyan?" Pabirong tanong ni Hiyara.
"Feeling ka bok! Sino naman magbibigay sayo? Unang-una, hindi ka ma----" pang-aasar naman ni Suarez sa kabuddy.
"Oh sige, ituloy mo. Lalo kang babansot niyan." Pang-aasar rin ni Hiyara sa kabuddy.
"Pero, kanino nga iyan?" Hindi makatulog na tanong naman ni Caballero. "Kanino galing?"
"Kay Gelo po." Sagot naman ni Monic. Sa kanilang tatlo, si Monic ang medyo close sa ibang officer. Lagi kasi siyang niloloko o binibiro ng mga ito dahil sa kanyang chubby na katawan at hindi naman napipikon si Monic. "Hinarana kanina si Paulo. Ang haba ng hair." Dugtong pa nito na may kasamang hagikhik.
"Pero nakabusangot si Paulo." Sabi ni Suarez.
"Opo, Sir. Ayaw niya kasi." Sabi naman ni Jai.
"Wow ha! Ayaw mo pa kay Gelo eh ang gwapo-gwapo nun. Ang sweet pa oh!" Sagot naman ni Hiyara.
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Ngunit ngumiti na lang siya ng plastic at nagpaalam na lalabas na lang muna. At bago lumabas ay kumuha siya ng walis at dustpan at aabalahin na lamang niya ang kanyang sarili upang makaiwas sa issue.
Inis na inis siyang nagwawalis. Nainis siya sa reaction ni Hiyara.
"Ano naman kung gwapo? Ano naman kung sweet? Anong magagawa ninyo? Eh ayaw ko nga!" Inis na sambit ng isip ni Love.
Naiinis siya dahil hindi naman ganoon kababaw ang pananaw niya pagdating sa pag-ibig. Hindi porke nanliligaw ay may pag-asa na agad. Hindi porke gwapo ay pagbibigyan na agad. Hindi porke sweet ay nararapat na agad.
Nasa bandang hagdan na siya nagwawalis. Alikabok lang naman ang wawalisin niya at pababa ng pababa ang kanyang pagwawalis.
Sa sobrang inis ay napapalakas ang kanyang pagwawalis. Napupuno na ng alikabok ang hagdan.
"Uy!" Boses ng isang pamilyar na lalake. Nagwawagwag ito ng kamay na tila winawagwag ang alikabok. Nagtakip rin ito ng ilong upang maiwasan na malanghap ang mga alikabok.
"Ay, sir!" Sabi ni Love sabay saludo sa kanilang BatCom. Sumaludo rin ito sa kanya kaya ibinaba na rin niya ang kanyang kamay na nakasaludo.
"Sorry po, di ko po kayo nakita kaagad." Sabi ni Love.
"Kaya nga eh. Busyng-busy ka diyan at parang galit na galit." Tugon naman ni Lovendaño na ngingiti-ngiti pa.
Sinundan na lamang niya ng tingin si Lovendaño habang paakyat at maya-maya ay binilisan niya ang pagwawalis dahil baka ipatawag sila agad.
Napapailing na lamang si Love dahil hindi siya naging alerto. Dahil sa kanyang inis ay hindi niya namalayan ang pagdating ng kanilang mabait at matatag na BatCom.
Naisip niyang napakabuting tao talaga ng kanilang BatCom dahil imbes na mainis sa nangyari ay biniro pa siya nito. Napapangiti na lamang siya dahil sa nakakagoodvibes na reaksyon ng kanilang BatCom kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman niyang inis.