“Do you love her?” Tanong niya dito at tinitigan ito sa mata.
Sinalubong nito ang tingin niya at bago pa ito sumagot ay alam na niya ang kasagutan sa tanong niya “Very much.”
Salitang nagpakirot ng puso niya pero dapat din niyang malaman ang totoo. “Do you love me?” Mahina niyang tanong dito na hindi tinatanggal ang titig sa mga mata nito.
Lumipas ang ilang segundo bago nito sinagot ang tanong niya na siyang dahilan para madurog ang puso niya “You are important to me, Kris. I hope that is enough.”
Napayuko siya dahil sa kirot na naramdaman. Gusto niyang umiyak dahil sa nalaman, hindi siya nito mahal. Importante lang siya dito parang isang bagay na importante lang. Si Bea ang mahal nito at hindi siya. Hindi nga siya nagkamali ng isipin na may gusto si Alex sa kaibigan. Pero siya ang niligawan nito. Hindi kaya confuse lang ito sa kung sino ang talagang mahal. Baka naman akala lang nito na mahal nito si Bea pero hindi naman pala.
“I will understand, Kris. If you want to break up with me.” Anito na siyang pumutol sa iniisip niya.
“No!” Natataranta na sabi niya. “Why should I break-up with you? I, I may be having a little difficulty understanding the situation but there is no need for us to break up.”
“But, Kris, I think that is the best option since you are having issues with Bea. Gaya nga ng sabi ko sa iyo dati when it comes between the two of you, it will always be her.” Seryosong sabi nito at kita niya na determinado itong makipaghiwalay sa kanya.
Pero hindi siya papayag, siya ang girlfriend ar kung sakali man na talagang mahal nito si Bea ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na mawala sa kanya si Alex. Siya na ang nasa tabi nito at kaya niyang tanggapin na magiging parte ng buhay nito at ng relasyon nila ang babae.
“I’m sorry, Love. I’m just jealous and shocked when she picked up the call. I don’t even get the chance to hold your phone but she can answer your calls.” Sabi niya na pinipigilang umiyak. “And now you are living with her and I just got so confused that so many things are coming on my mind that I cannot think straight and say st***d things that I’m not supposed to say. Forgive me this time and I promised not to get jealous of Bea anymore and I will not say anything against her or make her upset. Please, Love.” Nakikiusap na sabi niya dito at tinitigan ito sa mata.
Kita niya ang pagaalinlangan sa mga mata nito at kinakabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin pag humindi ito at ipilit ang sinabi nito na break up. “Okey, Kris” Tanging sabi nito makalipas ng ilang segundo at nakahinga siya ng maluwag sa naging sagot nito
“Thank you, Love. Thank you” Naiiyak na sabi niya dito. “Happy Anniversary, Love” Bati niya dito at nginitian lang siya nito.
Simula noon ay hindi na niya ito tinanong ng kahit na ano tungkol sa pagkakaibigan nito at ni Bea. Nanatili siyang nagtitiwala sa nobyo at inalis ang anumang pagdududang nararamdman. Ayaw niyang bigyan ang nobyo ng dahilan na hiwalayan siya lalo na at alam niyang hindi lang bilang kaibigan ang tingin nito kay Bea. Bukod pa sa hindi ito magdadalawang isip na tapusin ang relasyon nila kung sakali man na makagawa siya ng bagay na makakasakit sa mahal nitong bestfriend.
Hindi na niya binigyan ng pansin si Bea at ang tinuunan ng pansin ay ang relasyon nila ni Alex. Ginawa niya ang dapat gawin para mahalin siya ni Alex at umaasa siya na darating din na magiging kanya ang puso nito. Tiniis niya ang sakit at selos kada makikita niya kung paano alagaan ng nobyo ang bestfriend nito at hindi nauwi sa wala ang ginawa niyang pagtitiis dahil matapos ng dalawang taong relasyon nila ay nagpropose si Alex sa kanya.
Hindi man ito nagpropose na kung paano niya pinangarap pero ang mahalaga ay inaya siya nito na magpakasal at hindi magtatagal ay magiging Mrs. Kristina Saadvedra na siya. Kahit pa na alam niya na hindi talaga siya ang mahal nito pero sapat na sa kanya na siya ang pinili nitong makasama sa habangbuhay. Bubuo sila ng sariling pamilya at hindi na magiging parte ng buhay nilang iyon si Bea. Tuluyan na itong mawawala sa buhay ni Alex, sa buhay nila.
“Iha?” Tawag ni Mama Alma ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
“Yes, Ma?” Sagot niya dito.
“Nakausap mo ba si Alex?”
“Hindi na siya babalik, Ma. Kasama niya po si Bea at doon na siya matutulog sa condo nito. Bukas na lang daw niya kakausapin ang Papa.”
Kita niya ang pagkunot ng noo nito ng marinig ang sinabi niya. “Doon na naman siya matutulog? Kris, palagi na lang siyang doon natutulog at halos doon na siya nakatira. Hindi mo dapat siya pinapayagan na patuloy gawin ang ganyan lalo na at ikakasal na kayo.”
Nagulat siya sa narinig buhat dito. Hindi niya sinasadyang sabihin na doon matutulog si Alex. Pero hindi din niya inaasahan ang narinig buhat sa magiging biyenan. “Ma, alam ninyo na doon na nakatira si Alex sa condo ni Bea?” Nagtatakang tanong niya dito.
“Yes, he inform me and his father that he is staying with her and doon siya natutulog. Hindi mo ba alam? He told me na you know it dahil iyon ang unang naging tanong ko sa kanya. I even told him na hindi siya dapat tumira sa condo ni Bea but it seems na wala siyang pakialam and even ypur Papa Jose agreed to it.”
“Yes, Ma. I know that he is staying with her.” Sagot niya dito kahit na nagulat siya sa nalaman.
“But, Kris Ikakasal na kayo he should focus on you and the wedding. Hindi na din dapat napayag si Bea na matulog doon si Alex. Engage na kayo and puwede na may sabihin ang mga tao.”
“Naiintindihan ko si Alex, Ma. Wala po kayong dapat ipagalala. Magkaibigan lang sila ni Bea”
“Alam ng lahat na magkaibigan sila pero Alex should not be like this.”
“Ma, hayaan na muna natin si Alex at Bea maybe they want to spend more time together. Alam naman nila na once makasal na kami hindi na puwede yong mga dati nilang ginagawa.”
“I really don’t like what is Alex doing. I thought ng maging girlfriend ka niya ay mababawasan na ang atensyon na bibinibigay niya kay Bea pero parang mas lumala pa. I heard na hindi ito puwede umalis ng hindi kasama si Alex? Ultimo pag labas ng company building ay nakamonitor si Alex sa kaibigan niya, is that true?” Tanong nito sa kanya at kita niya ang pagaalala sa mukha nito.
“Yes, Ma” sagot niya dito “It is true, sobrang higpit ni Alex kay Bea. Hindi ito nakakaalis ng hindi siya kasama and he always know where she is. I even witness it myself ng tumawag ito while Bea and I were having a coffee. He already knows where she is and dumating ito to fetch her. Pero hindi namin siya sinabihan kung nasaan kami.” Kita niya ang panglalaki ng mata nito at ang pagiling ng sagutin niya ang tanong nito.
“The way Alex is acting is very different. I know that Bea is his bestfriend but there should be limit to his actions. Hindi naman siya ganyan dati sa kaibigan pero ng maging girlfriend ka niya ay parang kabaligtaran ang nangyari. Imbes na ikaw ang mas pagtuunan ng atensiyon ay parang ma naging focus pa siya kay Bea.”
“This is no good, I really don’t know what’s going on. He became more possessive and obsessed with her and I’m even suprised that he will marry . .” Bigla itong huminto sa pagsasalita at tinitigan siya. Nagulat siya sa narinig buhat dito at base sa reaction nito ay alam niya na may idea ito na bukod pa sa pagiging kaibigan ang tingin ni Alex kay Bea.
“I’m sorry, Kris but I don’t know what is in my sons mind. You can see his actions right? Just be ready for anything.”
“May problema po ba, Ma?” Tanong niya dito.
“Wala naman, Kris. I’m just worried about Alex and more worried about Bea. I really thought that he will be able to let go of her but based on what is happening and what you told me but anyway I hope na mali ako.”
“Ma, you said Alex is possessive and obsessed with Bea?” Tanong niya dito gusto niyang linawin ang narinig buhat dito.
“Oh, it’s nothing. Don’t mind what I said. I will go inside and wrap up the event.” Paalam nito sa kanya at saka mabilis na umalis sa harapan niya.
Napaisip siya sa narinig buhat dito at kita niya ang pagaalala sa mukha nito bago siya iniwan. Tama din naman ang sinabi nito na dapat na maging aware sila Alex na may puwedeng sabihin ang mga tao sa sobrang closeness nito at ni Bea. Pero ano ang gagawin niya at ni Bea hindi naman nila mapipigilan si Alex kung anong gustong gawin nito. Wala din naman magawa iyong isa lalo na pag nagalit na si Alex. Hindi ba at kahit nga siya na nobya at tahimik lang at nasunod sa kung anong gusto ng nobyo.
Base sa sinabi ni Mama Alma ay tila iniisip din nito na may gusto si Alex kay Bea. Obsessed and possessive ang ginamit nitong term pero alam niya na ang gusto talaga nitong sabihin ay mahal ng anak nito ang bestfriend and hindi lang siya kayang deretsuhin na hindi siya ang mahal ni Alex. Masakit man ang katotohanan na iyon pero hindi siya bibitaw lalo na at abot kamay na niya ang pangarap. Ang makasama habang buhay ang lalaking mahal.
Kahit ba na kanina ay nasira ang mood niya dahil nagalit na naman si Alex ng makitang katabi ni Bea si Kent. Alam niyang nagseselos ito kaya hindi na siya nagtaka ng tumayo ito at puntahan ang dalawa. Sumunod siya dito dahil alam niya na puwede gumawa ng eksena si Alex lalo na at si Bea ang involve. Habang palapit sila sa kamesa ay kita niya ang takot at pagaalala sa mukha ni Bea.
Dahil inakbayan pa ni Kent si Bea at hinapit palapit dito. Nakaramdam na rin siya ng takot lalo na at bumilis ang lakad ni Alex papunta sa lamesa ng dalawa. Nakita niyang sumubok kumawala si Bea kaso ayaw talaga itong pakawalan ni Kent na natawa pa. Alam niyang pareho sila ng iniisip ni Bea, iniinis nito si Alex para magalit at pag nagalit ang nobyo niya ay siguradong magkakagulo.
Nang makaabot sila sa lamesa ng dalawa ay galit na galit na si Alex pero si Kent ay ginagawang biro lang ang lahat at patuloy lang sa pagtawa. Tila hindi nito alintana ang galit ng kaibigan. Sinubukan pa ni Bea na pakalmahin ang kaibigan pero galit talaga ito. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang sagot ni Alex sa sinabi ni Kent na kailangan na din ni Bea na maghanap ng makakasama sa buhay.
“What’s mine stays mine” at “Hindi need ng baby ko na maghanap ng makakasama dahil ako lang ang magiging kasama niya habangbuhay at wala ng iba.”
Kumirot ang puso niya sa narinig dahil alam niya na totoo ang sinabi ni Alex. May kaba at alinlangan man pero kinalma niya ang sarili at sinubukang pakalmahin ang nobyo. Sumunod naman ito sa kanya pero nagbilin kay Bea na maguusap ang dalawa. Ayaw man niya ay nairita na talaga siya kay Bea, wala naman itong ginagawa pero nasisira na ang araw niya dahil dito.
Ang kaninang saya niya ng magumpisa ang event ay unti- unting napapalitan ng inis at galit para dito. Nang makaupo sila sa table ay akala niya na masosolo na niya ang atensiyon ng fiance pero nagkamali siya dahil tumingin ito sa table kung saan naiwan si Kent at Bea. Kumunot ang noo nito at nagtiim ang bagang. Nang sundan niya ang tingin nito ay wala na doon ang dalawa.
Nagpaalam ito sa kanya na hahanapin si Bea pero sinabihan niya ito na baka umalis na ito at sumama kay Kent. Tinitigan siya ni Alex na tila hindi makapaniwala sa narinig. Umiling lang ito at saka tumayo para hanapin ang kaibigan. Tumayo na din siya at sinaman ito. Inikot ni Alex ang buong lugar ultimo ang CR ay sinilip nito pero bigo ito ba makita ang bestfriend na hinahanap.
“Baka naman umuwi na si Bea, Love.” Sabi niya dito. Sinusubukang pagaangin ang nararamdaman nito dahil kitang kita sa mukha nito ang pagaalala at inis ng hindi mahanap si Bea.
“Alam niyang hindi siga puwede umalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Kung uuwi man iyon magsasabi iyon.” Nahihimigan niya ang galit sa boses nito. Kinuha nito ang cellphone at nagdial. “S**t!” Mura nito nang hindi makontak si Bea. “Lowbat nga pala ang mobile niya kanina. Sigurado patay na iyon ngayon.” Inis na sabi nito. “Bumalik ka na sa table at pupunta lang ako sa CCTV room.” Anito at naglakad na.
Imbes na bumalik sa table nila ay sumunod siya dito. Nang makapasok sa loob ng CCTV room ay inutusan nitong iplay ang video sa may function hall kung saan nagaganap ang engagement party nila. “Alex, baka umuwi na iyon” sabi niya ulit dito pero hindi na siya nito pinagukulan ng pansin at abala na ito sa panunuod sa screen. “There she is” nakita nila na sumakay ito ng lift na pababa. Nang makalabas ng lift ay dumeretso ba ito sa entrance ng hotel at sumakay ng taxi magisa. Tila nakahinga naman ng maluwag si Alex sa nakita.
Paglabas nila ay nakasalubong nila si Kent na mukhang lasing na. Nagulat siya ng kuwelyuhan ito ni Alex. “Hindi ko gusto iyong ginawa mo kanina. Wala kang karapatang hawakan siya.” Galit na sabi nito pero tumawa lang si Kent at tinitigan sa mata ang kaibigan.
“Wala ka ring karapatang itali siya sa iyo.” Kahit na natawa si Kent ay kita niya ang galit sa mga mata nito. “Hindi ko alam kung hanggang saan mo paaabutin ang palabas na ito. Sa nakalipas na mga taon ay hindi kita kinuwestiyon sa mga bagay na ginagawa mo. Pero hindi ako papayag sa balak mong gawin kay Bea. Kaibigan ko din siya and I will not allow it!” Galit na sabi nito at saka inalis ang kamay ni Alex na nasa kuwelyo nito at saka siya binalingan.
“Kris, I know that you’re well aware kung ano ang totoo. You already got what you’ve always dream of pero sana magising ka na. Hindi ito amg katuparan ng mga pangarap mo dahil sabi nga ng fiance mo hindi need ng baby niya na maghanap ng makakasama. Sana doon man lang matauhan ka na. Tama na ang pagiging bulag, bingi at manhid.” Anito sa nanguuyam na tono at saka sila iniwang dalawa.
Tama si Kent pero hindi niya isusuko si Alex at ang magiging buhay nila sa hinaharap. Titiisin niya ang lahat hanggang sa maging ganap na siyang asawa nito. Once na siya na ang legal na asawa ay sisiguraduhin niyang tuluyan ng mawawala si Bea ng papel sa magiging pamilya nila ni Alex.