Nagmamadali na bumaba si Alex ng sasakyan at dumeretso agad sa lift ng building kung nasaan ang condo nila ni Bea. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Sabay-sabay ang pagdaloy ng emosyon sa kanya. Natatakot siya na kinakabahan at hindi mapakali matapos niyang malaman na nagresign si Bea mula sa GLS. Tinawagan niya ito pero patay ang mobile nito at isa iyon sa nagbibigay sa kanya ng labis na takot at kaba. Hindi nagpapatay ng mobile si Bea kung paanong lagi din nitong nirereplayan ang text at sinasagot ang tawag niya. Dahil alam nito na puwede siyang magtext or tumawag dito anytime. Nang makarating sa floor na kung nasaan ang condo nila ay mabilis niyang pinuntahan ang unit nito. Nang makapasok sa loob ay inikot niya ang mata sa sala at nakiramdam, wala siyang narini

