Napabuntong hininga siya ng marinig ang paghinto ng shower. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin. Kahit magpanggap siyang tulog ay alam niyang hindi ito maniniwala. Sigurado rin siyang hindi ito papayag na bukas na sila magusap. Umalis ito sa party kahit na hindi pa iyon tapos para lang pagusapan nila ang ginawa ni Kent na alam niyang hindi nito talaga nagustuhan.
Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto nang banyo at narinig niya pa ang pagbukas sara ng drawers. Alam niyang kumukuha ito ng damit na isusuot. Dinig pa niya ang pagdadabog nito habang nagbibihis. Makalipas ng ilang minuto ay lumondo na ang kabilang side ng kama, tanda na nasa kama na si Alex.
“Huwag kang magpanggap na tulog alam kong gising ka pa.” Anito sa galit na tinig. “B, gabi na bukas na natin pagusapan kung ano man ang gusto mo pagusapan, ok?” Sabi niya na naghikab pa para iparating dito na inaantok na siya kasabay ng munting dasal na sana ay pagbigyan siya nito.
“Mukhang nag eenjoy ka kanina habang kausap si Kent, anong pinagusapan ninyo. Nagpaakbay ka pa? Ano kayo na ba?” Tanong nito sa kanya sa galit na boses. Hindi siya sumagot at lalong pinikit ang mga mata. Ayaw niya makipagtalo dito at alam niyang hindi siya mananalo. Pagod na siya at gusto niya magpahinga.
“Huwag mo ko balewalain kinakausap kita” anito sa medyo mataas nang tinig. “Tapos umalis ka ng hindi nagpapaalam? Hindi ba at sabi ko maguusap pa tayo?” Wala na siyang nagawa kundi ang umupo at sumandal sa headboard ng kama. “B, wala kaming ibang pinagusapan ni Kent. Tinanong niya ko kung okey lang sa akin ang pagpapakasal mo. Sinabi ko sa kanya na masaya ako para sa inyong Dalawa ni Kris.” Sabi niya na tumitig pa sa mga mata nito.
“Hindi din ako nagenjoy sa akbay ni Kent at wala kaming relasyon. Hindi mangyayari iyon dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.” Aniya sa malambing na tinig. “Saka hindi na ko nagpaalam sa iyo kanina kasi busy ka, ayoko istorbohin kayo ni Kris. Gabi ninyo ngayon at ayoko masira iyon. Lalo na at ang saya ninyo kanina. Saka puwede naman tayong magusap sa ibang araw ang importante ay kayong dalawa ni Kris.” Mahabang paliwanag niya dito na may kasamang lambing.
Alam niya na ito lang ang magpapababa ng galit na nararamdaman nito. Nilingon niya ito at nginitian pero magkasalubong pa rin ang kilay, may galit pa rin sa mga mata nito. “Sorry na, B. Huwag ka nang magalit, please. Dapat masaya ka ngayon dahil malapit na kayo ikasal ni Kris. Ito ang katapuran ng mga pangarap ninyo” Aniya dito pero masama pa rin ang tingin nito sa kanya.
Akmang yayakapin niya ito pero umiwas ito at tumayo. Tinignan muna siya nito bago dinampot ang cellphone na nasa side table at saka lumabas ng kuwarto. Napabuntong hininga na lang siya at sumunod na rin dito. Mukhang mahaba haba pa ang gabi nila at galit talaga sa kanya ang kaibigan. Tinignan niya kung nasa kusina ito pero wala kaya dumeretso na siya papunta sa balcony.
Nanduon nga ito at naninigarilyo. Nilingon siya nito at nang makita siya ay pinatay nito ang hawak na sigarilyo kahit na hindi pa nangangalahati. “Pumasok ka na doon” galit pa ring sabi nito at saka siya tinalikuran. Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likuran. “Pumasok ka na doon maamoy mo ung usok dito” galit pa ring sabi nito at ska sinubukang alisin ang pagkakayakap niya dito.
Hindi siya nagsalita at hinigpitan lang lalo ang yakap niya dito at isinandal ang ulo sa may likuran nito “Bakit ka ba nagagalit kasi?” Alam mo naman na maloko iyon si Kent hindi ka na nasanay doon” aniya sa mababang tinig.
“Ayon na nga eh alam mo nang maloko si Kent nakikipagusap at nagpapa-akbay ka pa” galit pa ring sabi nito.
“B, kaibigan natin iyong tao. Alangan naman hindi ko kausapin. Inaasar ka lang noon kanina, napikon ka naman.”
“Sinong hindi mapipikon nakita mo nang palapit ako sa iyo hindi ka pa rin tumayo tapos nagpa-akbay ka pa. Hindi ba dapat ako lagi ang priority mo? Bakit kanina hindi mo nagawa” sabi nito sa mataas na boses.
Bumuntong hininga siya at mas niyakap ito ng mahigpit “Sorry na! Hindi kase ako makakawala sa pagkakaabay niya. Pero nakaganti naman ako, inapakan ko iyong paa niya. Kaso parang nasira pa nga iyong shoes ko dahil ang tigas ng paa niya kasing tigas ng mukha niya.”
Hindi pa din ito kumikibo ramdam niya pa rin ang galit nito. Kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito at dinikit pa lalo ang mukha niya sa may likuran nito. Alam niya na konti na lang ay lalamig na ang ulo nito. Pag ganitong nilalambing na niya ito ay hindi din siya natitiis nito kahit ano pang galit nito at hindi nga siya nagkamali dahil makalipas ng ilang minuto ay narinig na niya ang pagbuntong hininga nito. Pagkatapos ay humarap sa kanya at niyakap na rin siya pabalik.
“Bati na tayo” bulong niya dito. Inangat nito ang baba niya habang nakayakap pa rin ang isang braso nito sa kanya at saka tinitigan siya sa mata.“Huwag na huwag kang maniniwala doon kay Kent, alam mong maloko iyon. Mamaya mabola ka noon tapos lolokohin ka lang.” sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Tumango na lang siya at nginitian ito. “Ayoko na masasaktan ka. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo at paiyakin ka ng kahit na sino. Makakapatay ako pag nagkataon” hinalikan siya nito sa noo at niyakap siya nang mahigpit. “Yes, B” sagot niya at niyakap din ito ng mahigpit, saka inihilig ang ulo niya sa dibdib nito.
Sa ngayon tanging ikaw lang naman ang nagpapaiyak sa akin at nananakit dahil sa nalalapit mong kasal bulong niya sa isip niya. Hindi mo man alam na nagagawa mo iyon pero hindi ako para magalit sa iyo at magtanim ng sama ng loob. Kung puwede lang mananatili ako habang buhay sa tabi mo pero alam ko din na hindi na puwede iyon dahil magkakaroon ka na ng sariling pamilya na mas dapat mong pagtuunan ng oras at atensiyon. Kaya kahit masakit at ayoko pero sa pagkakataon na ito dapat na kitang pakawalan dahil hindi ka para sa akin.
Tunog ng cellphone nito ang pumutol sa kapwa nila malalim na iniiisp. Nasa may lamesa ang cellphone nito at kakalas na sana siya sa yakap nito pero ayaw nito. Naglakad sila papunta sa table na magkayap. Si Kris ang natawag base sa name na nasa screen ng cellphone. Sinubukan niyang kumawala ulit sa yakap nito pero lalo lang siya nitong niyakap. Pinindot lang nito ang call at saka niloud speaker “Yes, Love” sagot nito sa malambing na boses. Napapikit siya at hindi maiwasan na makaramdam ng selos. Ok
“Asan ka na?” Tanong ni Kris sa kabilang linya. Nahihimigan pa niya ang inis sa boses nito. Sino ba ang matutuwa na engagement nila pero andito ang groom to be at kasama ang bestfriend niya keysa sa wife to be? Bulong nang isip niya.
“Andito na ko kay Bea” anito at niyakap siya lalo. Sinubukan niyang kumalas ulit sa yakap nito para makapagusap ito at si Kris pero ayaw nitong pakawalan siya.
“Hindi pa nga tapos ang party umalis ka para siguraduhin na nakauwi si Bea. Mas inuna mo pa yang kaibigan mo, sinabi ko naman sa iyo na for sure umuwi na siya.” anito sa galit na boses.
Naramdaman niyang nagiba ang mood ni Alex dahil lumuwag ang yakap nito sa kanya. “May problema ba, Kris?” seryosong tanong nito. “Malinaw naman ang pagkakaintindi mo kung gaano kahalaga si Bea sa akin di ba?” May galit na ring sabi nito.
“B” pukaw niya sa atensiyon. Hindi ito sumagot at yumakap lang sa kanya ulit.
“Wa-wala naman, Love.” May takot sa boses na sagot nito.
“Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Alam na alam mong hindi puwede na mawawala sa paningin ko itong baby ko. Kaya ng biglang mawala ito kanina at hindi nagpaalam kung saan pupunta kailangan na siguraduhin kong safe siya. Buti na lang dumeretso ito ng uwi at hindi nag ala Dora” anito kay Kris na naging dahilan nang pagsimangot niya at malakas na tawa nito.
“Naiintidihan ko, Love. Hindi puwede mawala si Bea sa buhay mo, sa buhay natin.” Anito na may lungkot sa boses. “Ano oras ka babalik?” tanong nito. “Hinahanap ka ng Papa? Para mafinalize. .”
“Hindi na ko babalik” putol nito sa sasabihin ni Kris “Dito ko matutulog at maaga kami bukas bibili kami ng bagong shoes” anito na kumindat pa sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito at sumenyas na hindi na.
“Pero, Love. Nagiintay ang Mama at Papa sa iyo.” Nagrereklamo na salita ni Kris “Hindi pa kayo. .”
“Bukas ko na sila kakausapin. Sige na at gabi na maaga pa kami bukas ng baby ko.” Putol nito sa sinasabi ni Kris “Goodnight.” Mabilis na sabi nito at saka pinatay na ang tawag. “B, sa susunod na lang tayo lumabas para bumili ng sapatos” tutol niya sa balak nitong gawin bukas.
“Nope, I’m gonna buy you a new pair of shoes bukas ng umaga and sa tanghali na ko pupunta kila Kris, okey?” Sabi nito sa kanya “Pero. . “
“Tulog na tayo” putol nito sa sasabihin niya at saka siya hinila papasok sa loob. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
Sobrang inis ang naramdaman ni Kris ng babaan siya ni Alex. Hindi pa siya tapos magsalita pero pinutol na nito ang usapan nila. Puro Bea na lang, hindi pa nga tapos ang party pero inuna pa nitong puntahan ang kaibigan para siguraduhin na nakauwi ito. Lagi na lang itong inuuna ni Alex at ngayon ay bibilhan pa ng bagong sapatos tapos doon pa ito matutulog.
Matagal na siyang may gusto kay Alex, pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na talagang maging malapit dito. Pareho sila ng school na pinasukan at madalas ay magkaklase pa sila pero tila invisible siya sa paningin nito. Tahimik lang si Alex at laging seryoso kaya maraming ilag dito lalo na at Lolo nito ang may-ari ng school. Si Kent na kaibigan nito ay masayahin at maingay. Ito ang kababata ni Alex at ang alam niya na bestfriend nito.
Kaya kinaibigan niya ito para mapalapit kay Alex pero wala ring nangyari dahil kaibigan lang ang naging pagtingin nito sa kanya. Pero hindi siya sumuko umasa pa rin siya na mapapansin din siya nito dahil wala pa naman itong nililigawan. Hindi lang siya ang babae na may gusto dito, marami rin ang nagpapapansin dito pero wala naman itong pinagtuunan ng atensiyon o inentertain sa mga lumalapit dito. Pero nagiba ang lahat ng dumating sa buhay nito si Beatrice Marie Marasigan.
Simula nang dumating si Bea ay lalong hindi na siya napansin ni Alex at ang mga iba pang babae na nagpapapansin dito. Laging magkasama ang dalawa at hindi mo mapaghiwalay. Ang dating Alex na ilag sa mga babae ay malaki ang pinagiba simula ng dumating si Bea sa buhay nito. Kung ibabase sa mga actions ni Alex ay iisipin mo na may gusto ito kay Bea lalo na at lagi itong nakabantay sa kaibigan. Walang ibang lalaking nakakalapit dito, ito at si Kent lang. Pero lagi pa ring nakabantay ito sa kaibigan pag kasama nila si Kent.
Hindi niya magawang maki-pagclose kay Bea kahit pa madalas silang magkasama. Civil lang siya pag nasa harap nito dahil nagseselos at lalo siyang naiinis dito dahil nakikita niya kung paano ito alagaan ni Alex. Naiingit siya, ingit na ingit dahil gusto din niya na maranasan kung paano alagaan ng isang Alexander Saadvedra pero alam niya na malabong mangyari iyon dahil inaasahan na ng lahat na si Bea ay magiging girlfriend nito. Pero walang nangyaring ganon dahil lumipas ang mga taon at kahit na nagcollege na sila, nanatiling magkaibigan lang ang dalawa.