"It's all your fault!" Vangie arched her brow. " Gusto mo bang mag-away ang magkapatid dahil sa iyo?" matigas niyang sumbat Kay Alexis. "Look what you've done? Imbes na magkaroon ng family dinner ay nauwi pa sa gulo. Muntik ng magsuntukan sina Benji at Elijah dahil sa iyo..' she said coldly. Nakaupo sina Alexis at Vangie sa dining table. Naiwan silang d@lawa sa dining room ng kinausap ni Don Miguel ang kaniyang dalawang anak na lalaki sa study room. Kahit sa hapag-kainan ay hindi pa rin tumitigil sa pagsasaringan ang dalawa. Nagalit ang ama dahil imbes na magsimula na silang kumain ay nauwi pa rin sa kanilang pagsasagutan. Isang ugali na ayaw ng Kanyang ama, lalo na kapag sila ay nasa harapan ng grasya . "That stupid Elijah, siya talaga ang puno at dulo ng lahat. Hindi magkaka

