The Ace And the Four Kings Chapter 49 : [ The end ] Xyrine Jean's POV After 2 Years "M-mi." Napatingin ako sa paslit na nasa paahan ko. Mapapangiti na sana mabuti ay napigilan ko. Tinutukan ko s'ya ng katana sa leeg. "Ikaw, nais mo bang tikman ang talim ng katana ko?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "D-dede," sagot nito sabay taas ng mga kamay habang nakangiti ng malaki. Pfft. Hahaha! Kinalma ko ulit ang sarili ko. "Pinagtatawanan mo ba ako paslit?" tanong ko. "D-dede," sagot ulit nito. "Sapat na ang sinabi mo para kunin ko ang buhay mo. Ngayon, pwede ko na bang hingiin ang ulo mo?" "M-mimi dedey!" cute nitong anas sabay thumb suck. Napangiti na lang ako ng tudo at 'di ko na napigilang bitawan ang katana ko at kargahin s'ya. "Ace, anak, hindi ba kaka-de

