"Wooh!!!" parang nababaliw kong sigaw habang nakikipagsabayan sa mga taong nagsasayawan dito sa dance floor.
Ramdam ko na ang bahagyang pagkahilo pero di pa ako lasing alam ko pa naman ginagawa ko. Gusto ko lang mag-enjoy kesa magpakasinti na naman.
"Your so sexy." rinig kong bulong ng lalaki sa likuran ko. Hinapit niya pa ang bewang ko palapit kaya naramdaman ko ang pagbangga ng ano niya sa pwetan ko. Naalarma naman ako.
"Will you please get your hand off me." utos ko sa lalaki habang pilit kinakalas ang pagkakahapit niya sa bewang ko.
Kinakabahan na ako dahil sa lakas ng tugtog kahit magsisigaw ako ay di maririnig dahil bukod sa malakas na tugtog e malakas rin ang hiyawan ng mga tao.
Kinurot-kurot ko ang braso ng lalaking nakahapit sa bewang ko.
Pero mas lalo lamang nitong hinigpitan. Napaigik pa ako dahil nasaktan ako sa pagkakahapit sa akin.
"Hmmp, feeling hard to get'." muli bulong ng lalaki.
Nag-init ang mukha ko sa inis. Parang lahat ng alak na ininum ko ay biglang nawala, pati ang hilo ko nawala.
Malakas ko'ng tinapakan ang paa ng lalaki kaya napabitaw ito sa akin. Aalis na sana ako ng bigla ulit ako netong hapitin at hilain paalis ng dance floor.
"Bitawan mo ako!." inis na bulyaw ko. Nagpalingon-lingon ako nagbabakasaling makita ko si Xander.
"Help!!" sigaw ko ng diko makita si Xander sa paligid. Kahit pa gwapo ang lalaking humihila sa akin ay di parin ako kaladkaring babae, iisa nga lang ang naging lalaki sa buhay ko e
At si Cloud lang yun!
"Mister." napahinto kami ng lalaki ng may biglang magsalita. Nakakapit ang isang lalaki sa balikat ng lalaking humihila sa akin.
"Mukhang di naman gustong sumama sa'yo ni Miss Beautiful." dugtong pa nito.
Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan na ako ng manyak na lalaking humila sa akin.
"Bakit ba nakikialam ka huh'?!" maangas na tanong ni Manyak. Manyak na talaga tawag ko sa kanya sayang gwapo naman pero bakit kailangan mamilit diba?
Umismid ang lalaking tumulong sa akin. In fairness, gwapo din. Matangkad, maputi at abuhin ang mga mata. First time ko lang makakita ng lalaking may abuhing mata, dahil kadalasan nababasa ko lang iyon sa mga novel na nabibili ko sa bookstore.
Well, meron pala talagang taong may gray eyes. At savior ko siya.
"Alam mo, Pare. Masamang mamilit ng ayaw. Nililigtas lang kita. Dahil di mo magugustuhan ang mangyayare sa'yo pag tinuloy mo yang balak mo." sabi ng savior ko.
Hmm, so kanina pa niya nakikita ang pamimilit sa akin ni Manyak?
"Pakialamero ka din no'?" sabi ni manyak sabay sugod ng sapak sa lalaking nagligtas sa akin pero napakabilis kumilos ng lalaki, agad itong nakailag. Base sa kilos neto ay magaling ito sa martial arts. Mabilis niyang napatumba ang manyakis na lalaki.
Nakanganga ako habang nanonood. Para akong nanood ng isang live action movie.
Palapit na ang lalaki sa akin ng matauhan ako. Agad ko sinara ang bibig ko, grabe nakakahiya. Nawala na talaga ang epekto ng alak sa katawan ko.
"Thank you." sabi ko.
"Your welcome, Miss Abby." nagtaka ako dahil alam niya ang pangalan ko. "How-"
"Sige, I got to go, Miss Abby." bago ko pa matapos ang tanong ko ay agad na itong nagpaalam. Nagtataka pa akong sinundan ito ng tingin.
Weird.
Stalker ko ba iyon?
Not bad. Gwapo naman.
"Kahit naman ilang gwapo pa bumalandra sa harap mo si Cloud parin ang gusto mo!"
Alam ko. Alam na alam ko. Kase kung gwapo lang marami naman talaga sa paligid. Mas gwapo sa kanya. Pero di naman talaga mapipili kung kanino titibok ang puso diba?
*************************************
Tahimik niyang pinapanood ang babae. Pagkatapos ng nangyare ay muling bumalik ang lungkot sa mukha nito.
"Pare, okey na. Save na ang prinsesa mo." si Reid. Ang inutusan niyang magligtas sa dalaga. Ayaw kase niyang siya ang ang magligtas dito dahil alam na alam niyang siya ang huling taong nasa isip nito na magliligtas dito.
"Salamat." sabi niya na patuloy na nanonood sa dalaga.
"Bakit di mo pa lapitan?" si Reid na nakatingin na rin sa babae. Umiling lang siya.
Hindi pa ito ang tamang panahon. In time makakabalik din siya sa buhay ng dalaga. At sisiguraduhin niya pag nangyare iyon ay wala ng hahadlang muli sa kanila.
************************************
"Abby!" bulyaw ni Xander sa akin sa kabilang linya. Tinawagan ko kase siyang pauwi na ako.
"I'm fine, okey. You don't need to worry. Ito na nga diba uuwi na ako."
Nakwento na kase niya ang nangyari. Kahit pa sinabi niyang may nagligtas sa kanya ay nabungangaan parin siya nito'. Napakaprotective kase ng mga kaibigan niya sa kanya lalo na pagdating sa lalaki.
"Are you sure?" paniniguro pa nito.
"Yeah, o'siya nandito na ako building ng condo ko. Got to go. Good night, beks. Love you."
Napabuga ako ng hangin.
Di ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib everytime na dito ako uuwi. Pero dahil medyo nakaramdam na ako ng hilo ay dito ko na naisipang umuwi.
Kaming dalawa ni Cloud ang nagpundar ng condo na ito para sana after ng kasal namin ay dito muna kami titira. Habang di pa gawa ang dream house namin.
Nakakalungkot lang talaga balikan ang mga magagandang memories.
Mabagal akong lumakad papuntang elevator. Sh*t, ano bang pumasok sa isip ko at dito ko pa naisip umuwi ngayon?
"I must been crazy now, hai, bakit ba kase bumalik pa siya. Kung kailan akala ko ay okey na ako." napasandal ako sa dingding ng elevator.
I feel tried. Seeing Louise and Cloud, killing me inside. Bakit ba hanggang ngayon mahal ko parin siya? Bakit ba ang tanga ng puso? Bakit kahit nasaktan na ako pero di parin tumitigil ang puso ko sa pagmamahal sa kanya? Ganito ba talaga pag nagmamahal? Nagiging tanga?
Ilang taon na ang lumipas pero iyong pakiramdam ko parang di man lang nabawasan. Galit ako alam ko, hanggang ngayon nasasaktan ako sa ginawa niya noong pang iwan sa akin. Tapos ngayon, ikakasal na siya sa iba.
Pagak na napatawa ako.
Buti na lang mag-isa lang ako ngayon dito sa elevator kundi baka iisipin ng kasabay ko e baliw na ako.
Mabilis ako nakarating sa floor ng unit ko, namin. Habang palapit ako ng papalapit sa unit e mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Tama bang dito ko naisip mag stay ngayon?
"This must be a mistake. Maling dito ako nagpunta." sabi ko sa sarili ko na akmang tatalikod na sana ng biglang bumukas ang pinto ng unit namin ni Cloud.
"Cloud."
"Abby."
Halos magpanabay na usal namin.
"Ano'ng ginagawa niya dito?" tanong sa isip ko.
Lord, pinaparusahan niyo po ba talaga ako? Napapailing na ako sa mga nangyayari. Para kasing sinasadya ang lahat.
"What are you doing here?" takang tanong niya sa akin.
Tumaas ang kilay ko dahil dun'. Ako pa talaga ang tinanong?
"Di ba ako ang dapat na magtanong nyan sa'yo?" nakapoker face na balik ko sa kanya. "May sinama ka sa unit ko?" taas kilay kong pang-uusisa.
Patingin-tingin pa ako sa likod nito, ng muli akong mapabaling ng tingin sa kanya ay ang lapad ng tingin neto.
"What?" inis ko'ng asik. "Pangisi-ngisi ka pa. Ano ginagawa mo sa unit ko?" mabilis ko itong nilampasan at pumasok sa loob ng unit.
Nilibot-libot ko ang tingin ko. Pero mukhang wala naman itong kasama. Dahil yari talaga siya sa akin oras n malaman ko'ng may dinala siya dito.
"Ano naman gagawin mo aber?" bulong ng isip ko.
Tsk. Shut up mind.
"Wala ako sinama dito." sagot nito na sinara na ang pinto.
"Hmm, e bakit nandito ka?" tanong ko, para lang di ako ma-awkward. Bakit ba naman kase nandito to'.
"Na sa'yo pa pala ang duplicate key neto'." dagdag ko.
Lumakad ito papuntang kusina. Tinignan ko lang ito. Ngayon ko lang napansin parang naiba ang ayos ng kusina. Ung dating maliit na ref e napalitan na ng two door refrigerator.
"Pinaayos mo ang unit? Bakit di ka nagpapaalam sa akin?" inis na tanong ko. Lumapit na ako dito.
Tinignan lang ako neto habang nainom ng tubig.
"Ilang beses ka ng nagpapabalik balik dito?" asik ko. Lumakad ako papuntang kwarto. Bago na rin ang kamang naroon. Mas malaki na ang kamang nakalatag roon ngayon.
Galit na nilingon ko ito.
"Hey, don't be mad. Naisip ko lang ituloy ang plano ko noon 6 years ago." sabi nito.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hindi ba parang late na iyon. At saka para saan pa?" nagngingitngit na saad ko.
Yeah, nagplano siya noon na papagandahin ang unit. Sabi niya bibilhin niya lahat ng gamit na gusto ko para dito sa unit. Isa na nga diyan ang two door refrigerator.
Pero bakit niya ginagawa ito? Matagal na niya akong iniwan. Matagal na niyang binitawan ang mga plano namin noon.
Magandang buhay, para sa pamilyang bubuuin sana namin. Mansyon na pagsusumikapan sana namin para sa amin at sa mga magiging anak namin.
Napailing ako sa mga pumapasok sa utak ko. This is too late for him to pursue his plans a year ago, lalo na ngayon hiwalay naman na kami at ikakasal na siya sa iba.
"You know what, Cloud. Di ko alam kung ano ba ang plano mo at pinaganda mo itong unit, but please lang sana ito na ang huling tapak mo dito. Lahat ng ginasta mo sa pagpapaayos at pagbili ng mga gamit babayaran ko na lang." ako. Ayaw ko na kase bigyan ng kahulugan pa ang ginawa niya.
Mataman akong tinignan nito.
Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Di ko alam kung ano b tumatakbo sa isipan niya.
"You must forgotten. I am a co-owner of this unit." di na ako nagulat sa pagsabi niya nun.
Napapailing na nagtungo na ako sa kwarto.
"You know what. Pagod na ako. Bukas na naten pag usapan yang ownership na yan, Okey?" sabi ko na akmang isasara ang pinto ng kwarto.
"Saan ako matutulog kung diyan ka?" tanong nito'.
Aba't.
"Bakit di paba ayos ang kabilang kwarto?" ako. Naiinis na ako, gusto na kaseng pumikit ng mga mata ko. Baka anytime e mag collapse na ako.
Nakita ko ang pag iling neto.
"Sa sofa ka." walang gatol ko'ng sagot. Mabilis na akong lumakad papuntang kama dahil ramdam ko ng ang bigat ng katawan ko. "Pakisara na lang ang pinto."
Huling sentence na nasabi ko bago ako tuluyang kainin ng antok.
*****
Cloud's POV
Napatulala ako sa babaing pataob na bumagsak sa kama.
Alam ko'ng nakainom ito, dahil nakita ko ito kanina sa bar kung saan ako nag-iinum. Nabastos pa nga ito, pasalamat na lang at may sumaklolo dito.
Mabilis ko'ng nilapitan si Abby.
Alam na alam ko'ng ayaw niya sa presensya ko. Alam ko naman kaseng masyadong malalim ang sugat na iniwan ko sa kanya noon.
Inayos ko ang pagkakahiga niya. Nilagyan ko rin siya ng malaking hotdog pillow gilid niya. Malikot kase siya matulog e'. Matapos ko siyang kumutan ay naisipan ko ng maglatag ng sapin sa sahig. Doon na ako matutulog.
Pahiga na sana ako pero muli akong napatingin kay Abby. Malungkot ako'ng napangiti. Kung di ko lang sana siya nasaktan noon, masaya na kaya kami ngayon bilang mag-asawa?