Chapter I

2322 Words
Sh*t!!! Nalate ako ng gising! May importanteng client pa naman akong kameeting today. Mabilis akong nag-ayos. Sa office na ako magmemake up. 3pm pa naman ang meeting ko kaya kaya pa naman ng oras ko. Sana lamang walang traffic. Bitbit ko ang mga portfolio ko. After Elise's wedding ay naging busy na ako, dahil ang daming nagpabook para magpagawa rin ng wedding gown sa akin, and thanks sa mga bff's ko. After ng wedding ay di ko na muling nakita si Cloud. And I feel relieve. At least di na mawiwindang ang mundo ko. He is my first love. Actually first sa lahat. Lahat ibinigay ko pero kulang. Iniwan parin akong luhaan. Mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan ko patungo sa aking boutique. Malakas naman ang boutique ko dahil kilala na ako dito sa lugar namin at masasabi ko namang pumapalag ang mga design ko sa mga sikat ng designer. Ilang beses narin akong nainvinte sa mga fashion show, at ilang beses na ring na-i-showcase ang mga design ko. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. It's my secretary. Clarrise. "Miss Abby, move po ng 1pm ang appointment niyo. May biglaang appointment daw kase si Client ng 4pm, so kailangan daw po niya matapos agad." update sa akin ni Clarisse. "Okey. I'm on my way to the resto. Dun na ako dederetso. Bye." Malapit lang sa subdivision namin ang restaurant na pupuntahan ko. Kaya pagdating sa resto ay makakapag ayos pa ako. 12:15pm. Sabi na e, maaga pa may time pa ako mag ayos sa restroom. "Miss, I have a reservation under Miss Escalante's name." I politely inform the frontdesk. "Wait a minute, Mam." a minute have pass, ng bigla itong tumawag ng mag-aassist sa akin. "Please, pakiassist si Mam sa VIP." I hear that Miss Louise Escalante is the only child of Juan and Mariana Escalante. At ang Escalante ay isa sa mga kilalang pamilya dito sa lugar namin. Actually, mayaman din ang pamilya namin. But sila Mommy at Daddy iyon, iba parin iyong yaman ko mismo. Ayaw ko umasa sa yaman ng pamilya namin. The waiter assist me in one of the VIP room of this restaurant. Malaki ang restaurant na ito. Maraming VIP room. Pagkapasok ay agad ko'ng tinanong kung saan ang restroom at mabilis akong nagtungo doon para mag ayos ng mukha. Simple lang naman ako mag make up. Sakto lang na magkakulay ang mukha ko. Okey na ako dun. 12:45 ng matapos ako mag ayos kaya agad na ako nagtungo sa table namin para mag antay. Wala pa naman ang kameeting ko kaya, I double check my things kung wala ba akong nalimutan. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae. I smile as I recognize her. Louise Escalante. Mas pretty siya sa personal. I want her to be the face of my creation. Nakakainlove. Wahh, di ako natotomboy, I just appreciating her beauty. "Good day, Miss Escalante." I extend my hand for a hand sake. Ngumiti siya pero di nakipag handsake but nakipagbeso. Napangiti ako napakafeminine niya. "Super formal naman ng Miss Escalante. Louise na lang." nakangiti niyang turan. "By the way kasama ko nga pala ang groom ko. Okey lang naman diba? Pipili palang naman ako ng designs diba?" nakangiti niyang tanong na ikinatango ko. "Yes, of course." "Damien. Love, come here na. Diba may meeting ka pa ng 4 so dapat matapos na naten tong appointment kay Miss Montes." nang marinig ko ang binanggit niya pangalan ay awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi ko. Hinintay kong pumasok ang lalaking tinatawag niya sa labas, nananalangin na sana ibang lalaki ang tinutukoy ni Louise. Pero siya nga. "Can I call you Sundae? kase ayaw ko maging formal e, gusto ko parang friends lang." masayang tanong ni Louise sa akin. Tumango na lang ako. "By the way, this is Cloud Damien Villaforte, my fiance." pakilala niya sa lalaki. Ngumiti ako. "Hi." simpleng bati ko. "We knew each other." basag ni Cloud. "Ow, I didn't knew it. Sorry." paumanhin ni Louise. "So, upo na tayo. Order muna tayo bago naten pag usapan ang gown ko." bibong-bibong turan ni Louise. At dahil client request wala ako magawa. Aabot parin naman ako for my last appointment of the day. 7pm ang last appointment ko sa isa pang client. Ito na ang two last client na kukunin ko for this month. Ayaw ko naman mahussle sa sobrang daming gown project. Masayang nagkekwentuhan ang dalawa sa harap ko na parang wala ako dito. Nakakatuwa lang su Louise dahil napakasweet. Kaurat lang talaga ang fiancee niyang kurimaw. Tsk. "Ay, You mention that you knew each other, how come?" bigla ay napatingin ako sa dalawa ng biglang tanungin ni Louise si Cloud. Tumingin ako kay Cloud at inantay ang sasabihin niya. "Schoolmate, bff siya ng asawa ni Joseph." kaswal na turan nito bago sumubo ng steak na kinakain namin. Me being hurt again. Ano nga bang aasahan ko? Na i-mention niya sa girlfriend niya na ex niya ako? f*****g ex-fiancee hahaha. I divert my gaze to my food. Ayaw ko na makita nila ang pag-iiba ng timpla ng mukha ko. Mahirap na baka mawalan pa ng client. Umabot din ng kulang-kulang isang oras ang pagkain namin. Kaya after we eat ay agad ko ng inopen ang tungkol sa meeting namin. Ayaw ko na kase magtagal pa dahil nag-iiba na ang timpla ko. "What gown do you prefer, Louise?" I professionally ask Louise. Napahawak sa baba niya si Louise bago tumingin kay Cloud. "Ano ba ang tingin mong babagay sa akin, Love?" lambing nito sa lalaki. Muntik na akong mapairap ng biglang humarap sa akin si Cloud. "I think mermaid gown suits you. Something with a lace and glitz." Tumango-tango ako habang nakikinig saka tumingin kay Louise. "What do you think? Do you like his opinion?" Me. For me tama si Cloud. Mermaid gown will suits Louise slender body. Lalo itong sesexy. Lalo pa't long legged ang babae. Ngumiti ako bago tumango. "I like his idea. I want to be the sexiest woman in his eyes on the day of our wedding." pumapalakpak pang turan ng babae. Napangiti ako ng pagak. I motion the design that I specially made for myself before. It is a mermaid gown with a sweetheart neckline, lace sleeves and it has a little bit of crystals in the waistline for a glitz. "Wow, Sundae. This is beautiful. Napakaganda." humahangang turan ni Louise. "Syempre wedding gown ko yan e'. sa isip ko. Ngumiti ako. "Yeah, pero if you still have an idea or to do want me to change anything about the gown, you can tell me so I can change it." Umiling ito. "No, I don't want to change the gown. But I want a train, is it possible to put a train in that dress?" tumango ako sa tanong ni Louise. Actually, may train talaga ito di ko palang napakakita sa kanya ang back lay out ng dress. I happily handed the back layout of the dress to, Louise. "Meron talaga siyang train. If you want me to put a longest train, no problem I can do that." I am happy seeing Louise, happy face. Nakakatuwa na napapasaya ko ang mga babaing ikakasal sa pamamagitan ng mga gown ko. This is what I dream of. "I am settle to that design. When I can fit that?" excited na sabi niya. Lalo ako napangiti. Seeing her excitement making me see the old Abigail. Yung excited para sa kanyang kasal. Haha naopen naman ang past. Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang agiw na sumisiksik sa isip ko. "Next month your gown is ready. I will email you the schedule of your fitting." "Nice. Next month is August, September is our wedding kaya okey na iyong nakaready na ang gown ko." lumingon ito sa lalaki. "Right, Love?" "Yeah, yeah." tumatangong sagot naman ni Cloud. Walang silbi masyadong busy sa phone niya. I stare in my watch. Maaga pa naman ako sa last appointment ko pero gusto ko na makaalis kaya tumayo na ako at nakipagshake hands. "So, it's settle then. Sorry, I still have an appointment, I need to go, Louise." paalam ko. Nakipagbeso ako sa babae at nakipagshake hands ako kay Cloud. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya agad ko na itong binawi. Baka makahalata pa si Louise. "Bye, Louise. See you in your fitting day." paalam ko bago tuluyang lumabas ng VIP room. Nakahinga din sa wakas. Being in the same room with Cloud, makes me feel nervous. Mabilis ang hakbang na tinungo ko ang sasakyan ko. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko ng may biglang kumatok sa bintana ng kotshe ko. It's Cloud. Sandali akong napatunganga. Ano paba kailangan neto sa akin? Tanong ko sa isip ko. Saka ko naman nakita ang hawak neto. Ang phone ko. "Nalimutan sa table. Louise ask me, naihabol sa'yo. Buti di ka pa nakakaalis." sabi niya ng maibaba ko ang window pane ng sasakyan ko. Kiming ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. "Thanks." sabi ko na akmang isasara na dapat ang bintana, pero pinigilan nito. "Wait." Napalingon ako dito na sana pala ay diko ginawa dahil nakayuko na pala ito, at ganun na lamang ang pagkabog ng dibdib ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Di ako makagalaw. Nanlalaki ang mata kong nakatingin lang sa kanya habang nakapikit siya. Mali ito.. Agad kong itinulak ang mukha niya palayo ng matauhan ako. Habol-habol ko ang hininga ko. Nanlilisik ang matang tumingin ako sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nasa loob ang fiancee mo, Cloud. Ano na lang ang iisipin niya!" galit na litanya ko na di niya pinansin. Basta nakatitig lang siya sa mukha ko na ikinailang ko. "Your a crazy man." inis na sinarado ko na ang bintana at agad ng pinaandar ang sasakyan. Ayaw ko na isipin ang halik na iginawad niya Badtrip. Ano bang trip nun? Inis na inis na pinukpok ko ang kamay ko sa manibela. "Damn you, Cloud. Lagi mo na lang ako pinagmumukhang tanga!" di ko na napigilan ang patulo ng luha ko, na nauwi na sa hagulhol. Bakit ba kahit pilit ko sinasabi sa isip ko na nakamove on na ako ay nasasaktan parin ako? Apektado parin ako. Bakit ba ang tanga-tanga ng puso. Nasaktan na pero patuloy paring tumitibok. 6 years! 6 fuckiny years pero apektado parin ako sa nakaraan namin. Nasasaktan parin ako, lalo na ngayong magpapakasal na siya sa iba. "You promise to me na ako lang, pero bakit ngayon iba ang pakakasalan mo." nakayuko na ako sa manibela ko habang umiiyak. Dahil sa panlalabo ng mata ko gawa ng luha ay napilitan akong igilid ang sasakyan ko. Akala ko okey na ako. Akala ko nakalimot na ako. Akala ko hilom na ang sugat na ginawa niya noon pero hindi pa pala. Sariwa parin pala. 'Bakit mo ginagawa sa akin ito, Cloud.' Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasyahang icancel na ang last appointment ko at si Clarisse na lamang ang pinapunta ko dun as my representative. Designer din naman si Clarisse e, kaya alam kong kaya niya na mag present. Ayaw ko namang humarap sa client na mugto ang mata kakaiyak. Nakakahiya iyon. Naisip ko'ng umuwi na at magpahinga. Pero bigla ko'ng naisip si Xander. Friend ko'ng gwapo pero lalaki ang gusto. May ari isa ng isang Resto Bar. Agad-agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ang bakla. "Xander!!" umiiyak na bungad ko. Rinig ko'ng napamura ito sa kabilang linya. Lalaking-lalaki ang boses. Kung diko lang alam na bakla to', iisipin ko straight ito e. "Hoy, bakla ka asan ka ba bakit ka umiiyak?" sagot neto sa kabilang linya. Di ako makasagot dahil sa pag iyak ko kaya pinatay ko na lang ang tawag saka ito tinext na pupunta ako sa bar niya. ********* Pag dating ko sa bar ay sinalubong na agad ako ni Xander sa entrance. "Problem?" seryosong tanong nito. Suminghot-singhot ako dahil barado na ang ilong ko sa kakaiyak. Iyak pa kase, ewan ba kailan kaya mananawang lumuha tong mga matang to', 6 years na akong puyat. "I heard, nakabalik na ng bansa ang ex mo." he stated. Denedma ko ang sinabi ni Xander at agad akong naupo sa bar stool. I want to be wasted. Gusto ko'ng makalimot. Akala ko kase nakalimot na ako di pa pala. "Bigyan mo nga ako ng pinakamatapang diyan." utos ko sa bartender. Kilala na ako ng mga staff ni Xander kaya feel at home ako dito sa bar niya na para bang isa ako sa may-ari. Narinig ko ang paghila ni Xander ng upuan palapit sa akin. "Lulunurin kita sa alak pag di ka nagsalita diyan." banta na nito sa akin na ikinatawa ko. "Game! Gusto ko nga magpakalunod sa alak ngayon e'." naiinis na napakamot sa ulo si Xander sa sagot ko. Ayaw ko muna magkwento, siguro pag lasing na lang ako. Pero gusto ko talaga muna ilihim. Dahil sure akong bubungangaan na naman nila ako. Alam na alam kase nila ang pagkaloka-loka ko noon mga panahong kakaiwan palang sa akin ni Cloud. Nandyan na naospital na ako dahil sa di ko pagkain ng maayos. Nadala sa presinto dahil nakipag-away ako dahil akala ko si Cloud iyong ka-making out nung babaing inaway ko. I am so ruin that time. Nagmahal lang naman ako e'. May mali ba dun', binigay ko naman lahat pero bakit parang kulang. Bakit niya ako inaya magpakasal noon tapos bigla lang pala niya ako'ng iiwan sa ere. Pasalamat parin ako dahil di sa mismong kasal namin niya ginawa ang pang-iiwan sa akin. Dahil baka mabaliw na ako nun, sa sakit sa puso at kahihiyan. "Xan, bantayan mo ako huh. Pag lasing na ako alam mo naman makulit ako. Okey?" paalala ko kay Xander bago muling tumungga ng bagong alak na inabot ng bartender niya. Malakas loob ko maglasing dito kase alam ko di ako mapapahamak dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD