Sea's POV "Yeah, malapit na ako." Sabi ko kay Kean, tinatanong kasi nito kung nasaan na ako. Kanina pa ako nito kinukulit, paano ba naman kasi magtwo weeks na akong nakauwi dito sa States hindi parin kami nagkikita. "Okay. Ingat ka lalo na't wala ako diyan." Biglaan kasi itong pinapunta ng Lolo niya sa Macau. Naiinis nga ito dahil kung kailan daw ako umuwi saka naman siya umalis. Wala naman siyang magawa kundi sundin ang utos ng kanyang Lolo lalo na't matampuhin ito, next month pa daw ang uwi niya. ---------- Naghanap ako ng parking ng sasakyan na malapit sa shop. Masaya akong pumasok sa opisina, marami kasi ang taong bumibili sa baba siguro dahil na rin sa clima, i'm sure mataas ang sales ko this month. "Masaya ka ngayon ha. Anong nakain mo?" Pagbibiro ni Janna, binigyan niya ak

