Sea's POV "L---lucas." Nauutal kong bigkas sa pangalan niya. "Bakit ang hirap mong mahalin Sea?" Nakatayo ito sa harapan ko, may luha ang kanyang mga mata. "Kailan mo ba ako ipaglalaban? Kailan ko ba maririnig ulit ang salitang mahal kita? Gusto mo ba talagang mawala ako sa buhay m---?" Hindi ko na ito pinatapos na magsalita at walang sabi sabing hinalikan ko na ang kanyang labi. "Mahal kita Lucas." Bulong ko sa gitna ng paghalik sa kanya. "Sabihin mong mahal mo rin ako, ipinapangako ko sayo na ipaglalaban na kita. Hindi na ako mawawala sayo." Bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat. "Piliin mo lang ako." Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko. "Mahal kita Sea mula noon hanggang ngayon." Ngumiti ako at napakagat sa labi. Yung luha ko sa mata napalitan ng tears of joy. "Nana

