Sea POV
"Miss magpapakamatay ka ba? Wag mo naman kaming idamay l*tse!" Sigaw ng lalaki sa kabilang kotse at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan nito.
Napaiyak nalang ako, napatakip sa bibig pagkatapos ay napasabunot sa sarili.
Gusto kong magwala, saktan si Lucas ng paulit ulit pero hindi ko nagawa. Marami pa akong gustong isumbat sa kanya but when i see him crying parang hinihiwa ang puso ko.
Galit ako pero mas matimbang parin yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, siya pa. Yung lalaking kinamumuhian at sinusuka ko noon, siya pa yung lalaking minahal ko ngayon.
'Bakit parang mas masakit ito kesa nung nawala yung kapatid ko?' Tanong ko sa sarili.
----------
Inistart ko ang sasakyan ngunit hindi ito gumana. Lumabas ako ng kotse para tingnan ang makina nito, wala akong pakialam sa lakas ng ulan, kailangan kung makaalis sa lugar na ito.
"Bullsh*t. Gumana kana." Sigaw ko na tila may kausap, sinipa ko ang sasakyan sa labis na pagkainis.
Napatingin ako sa taas. "Anong bang gusto mo? Lahat nalang pinagkait mo. Nung una si Lucas, anong purpose na pinagtagpo niyo kami?" Tanong ko sa kawalan. "Bakit siya pa? Give me one reason God please." Umiiyak na sabi ko. "I loved him, nagbago ako para sa kanya. Lahat sila iniwan ako, siya lang ang bukod tanging nagstay. Bakit naman ganito? God please. I need an answer."
Pinakalma ko ang sarili bago pumasok sa sasakyan at nagdrive sa pinaka malapit na hotel na nadaanan ko. Gusto ko na munang magpahinga, siguro kapag tinulog ko ito magiging maayos ang lahat paggising ko.
----------
Nakahiga ako habang wala sa sariling nakatingin sa kisame. Naninibago ako, bawat galaw ko parang may kulang.
Two days akong nagstay dito sa hotel, nakapatay ang phone ko para walang makacontact sakin.
Gusto ko rin munang makapagisip, hindi ko pa alam ang susunod na hakbang na gagawin ko. Ayoko naman magpatulong kila Tito, ayokong problemahin na naman nila ako.
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung saan ako pwedeng tumuloy, kung maghohotel ako araw araw paniguradong mauubos ang pera ko.
----------
Kinabukasan napagdesisyunan kong humingi ng tulong kay Mom. Nagbayad ako ng hotel at dumiretso sa bahay nito.
Mahigit isang oras lang ang byahe nang makarating ako bahay nito, nagdoorbell ako.
Isa sa kasambahay nila ang nagbukas ng gate."Ano po yun?"
"Uhm... Si Sha---" Hindi ko pa natatapos ang tanong ko nang makarinig ng sigawan sa loob ng bahay.
'Bakit kailangan mong pumunta dun?'
'Wag mo akong sisihin, i texted you. Ang sabihin mo hindi mo nabasa ang text ko because your busy flirting with your secretary.'
'Pwede ba tumigil kana? Pagod na pagod na ako sa trabaho tapos ito ang sasalubong sakin.'
'Pagod kana? Then leave.'
"Sorry Ma'am, nagaaway kasi ang magasawa. Sino po ba ulit ang hanap niyo?"
"Ha? W--wala. Sorry wrong address ata ako." Nauutal kong sabi.
"Sige po. Pasensya na po." Hinging paumanhin ng kasambahay.
Wala akong nagawa kundi umalis sa bahay nila Mommy, tama lang naman ang ginawa ko, ayoko nang makigulo sa kanila. Sino ba naman ako? Anak lang naman niya sa unang asawa.
Buti nalang hindi ako kilala ng mga kasambahay nito. Sa bagay ngayon lang naman ako nagpunta dito.
----------
Hindi ko alam kung bakit ako dumiretso sa bahay ni Dad, nakita ko ang sasakyan nito hudya't na nakauwi na siya galing trabaho.
Lumabas ako ng sasakyan at nagtago sa gilid upang sumilip sa gate.
Masayang kausap ni Daddy ang mga anak nito, nakayakap ang bunsong lalaki sa kanya.
"Yes po."
"Dad, basta sa foundation day namin wag kang mawawala ha. Kailangan niyo akong palakpakan ni Mommy."
"Me too Dad, i need an audience impact."
"Offcourse baby." Sabi ni Dad sa lalaki at babae, siguro nasa 13 years old lang ang lalaki at 15 years old ang babae. Habang ang bunso naman nasa edad 8 years old. Hindi ko masyado makita ang mga mukha nila pero rinig na rinig ko ang boses nila.
"You should sleep na kids. Wag niyo ng istorbuhin ang Dad niyo, his working." Boses ng babae na kaedad ni Mom, kung hindi ako nagkakamali ito ang asawa ni Daddy.
Nakaramdam ako ng inggit, halata sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan at pagmamahal na binibigay sa kanila. Pinapangarap ko rin ang ganyang buhay noon. Akala ko nga matutupad na dahil kay Lucas pero mali ako.
Lahat ng bagay panandalian lang, tama nga sila bilog ang mundo. Maaaring masaya ka ngayon at kinabukasan magugulat ka nalang wala na, wala na yung saya.
Pumasok sa loob ng bahay ang maganak, si Dad lang ang naiwan upang pumirma ng mga papeless niya, naisipan ko na ring bumalik ng sasakyan.
Nang makabalik sa sasakyan, napayuko ako nang sumilip ito sa labas ng gate na tila may hinahanap.
After 3 minutes sumilip ulit ako, nakahinga ng maluwag nang hindi ko na ito makita. Lumabas ako ng sasakyan upang siguraduhin kung nakapasok na ito sa loob ng bahay ngunit...
"Sea." Boses ni Dad, bigla nalang tumulo ang luha ko."What are you doing here?"
Hindi ako nakapagsalita kaagad. "Sea, I'm talking to you." Weird bang sabihin na namiss ko ang pagpapagalit niya sakin.
"Dad." Mahinang sabi ko pagkatapos ay mahigpit na yumakap sa kanya. Napahagulgol ako na parang bata na umiiyak sa kanyang ama. "Alam ko galit ka pero i can't take this anymore. Hayaan mo akong yakapin lang muna kita pagkatapos aalis na din ako. Kailangan ko lang ng Ama ngayon."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Hindi mo na kailangan umalis, bumalik ka na Sea."
"Dad, i'm so sorry. Tama ka, sasaktan niya lang ako. Sana sinunod kita nung una palang, sana pinaniwalaan kita." Akala ko susumbatan niya ako, papangaralan ngunit hindi, mahigpit niya lang akong niyakap.
"Niloko niya ako. Pinatay nila si Wave, sinira nila ang pamilya natin."
"Sshh... Stop crying baby. Daddy's here." Pagpapatahan niya sakin. Ngayon niya lang ako ulit tinawag na Baby and i f*cking missed that.
"Dad! Bakit ganito? Bakit ang sakit sakit? Wala akong ginawang masama. Minahal ko lang siya, minahal ko lang si Lucas." Bumigat ang paghinga ko, pinikit ang mata ng makaramdam ng antok.
"Sea?" Sigaw ni Dad, yun ang huling salita na narinig ko bago mawalan ng malay.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.