Sea POV Pagdating ko sa bahay madilim na sala ang bumungad sakin. "Yaya, nakapatay ang ilaw nagbrown-out ba?" Sigaw ko sa kasambahay namin. Hinanap ko ang switch nito at binuksan ang ilaw, nagulat ako nang makita na nakaupo sa malaking sofa si Lucas. "Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mong magpakita sakin." Galit na sabi ko. "I want to see you." Lumapit ito sakin kaya naamoy ko ang alak sa bibig niya. "I miss you so f*cking bad." At mabilis akong niyakap. Tinulak ko ito ng malakas."Ano ba! Umalis kana dito. Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka umalis." Akmang kukunin ko ang telephono nang agawin niya ito at binato sa kung saan. Napahilamos ito sa mukha. "Sa wakas makakapagusap na tayo nang walang istorbo." "Ano pa bang gusto mo Lucas?" Tanong ko. "Walang kasalanan ang mg

