"Lara!" natutuwang bati ni Kylene nang makita siya. "Akala ko pati ikaw ay sinisante! Mabuti naman at suspension lang sa 'yo!" Napakunot-noo siya. Suspension? Suspended ba siya dapat? Iyon ba ang pinalabas ni Migo sa opisina? Gayunpaman ay hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Alangan namang sabihin niya rito na wala lang siya sa mood kaya hindi siya pumasok. "Sino ang natanggal?" aniya. "Si Lizzie. Pati na si Kendra," tugon nito. "One-third ng department natin suspended kahapon." Napaisip si Lara. Paano nalaman ni Migo ang nangyayari sa kanya roon eh kagabi lang naman siya nagsabi? At dahil lang sa naiinis siya. But he had fired them in the morning when she hadn't said a word to him yet. Totoo nga kaya ang sinabi nito? Na may pakialam ito sa nangyayari sa kanya roon dahil asa

