It was Saturday. Lara's loneliness brought her to Lena's grave once again. Gaya ng dati, sumalampak lang siya sa harapan ng puntod habang kinakausap ang namayapang kapatid. "Hindi ko alam na kapag nagkita pala kami, aaraw-arawin niya akong pagagalitan. Am I a bad girl, ate? Did I fail to make him proud of me kaya ganito siya sa akin?" Tinuyo niya ang luhang nakatakas mula sa pagpipigil niya. "Hindi ako iyakin, ate. Alam mo 'yan, 'di ba? Kahit hindi naman ako naalagaan ni Mama, it was fine as long as you're beside me. I miss you…" At gaya pa rin ng dati, hindi na naman niya namalayan ang oras. Nakatulala na lang siya roon dahil ubos na rin naman ang mga sumbong niya sa ate niya. Kaya naman nagulat siya nang maramdamang may kasama na siya sa loob ng mausoleum. It was Migo. Katat

