"Leave application denied, Lara. Come to the office. My secretaries couldn't be gone all at the same time." 'Yon ang sagot ni Miguel sa email niya. Lara was hoping she could take a leave. Bahagya pa kasing namumugto ang mga mata niya at sa tingin niya hindi pa siya handang makita ulit si Miguel matapos niyang aminin sa sarili na mayroon siyang "slight" feelings para rito. Kahapon ay hindi na siya ulit lumabas ng silid niya at nagdahilan na lang siyang masama ang pakiramdam niya. Kahit noong puntahan siya ni Miguel sa silid niya ay nagkunwari siyang tulog. Muntik pa nga siyang mabuko sa pagpapanggap niya nang haplusin nito ang pisngi niya. Hindi naman ito nagtagal at nagbilin na lang kay Auntie Rosette na kasama nitong nagpunta sa silid niya na siguraduhing kakain siya sa tamang oras

