SAKAY ng private plane niya si Ely. Thirty minutes ay mararating na niya ang Samar. He can't wait to see Cory and Calli. Ang daming iniisip. Paano kung hindi na siya patawarin ni Cory? What he would do? Kasalanan naman niya ang lahat. Nakinig siya sa Mommy niya. Mas pinakinggan niya ang sinasabi ng iba kesa sa dinidikta ng puso niya. Noong nawala si Cindy sa kanya noon, mas sobra ang paghihirap niya. Ngayon na ilang beses nang nawala si Cory sa kanya. Sobra sobra pa sa inaakala niya ang paghihirap ng kalooban na nararamdaman niya. Nag announce ang piloto na baba na ang private plane na sinasakyan ni Ely. Abot abot ang lakas ng kaba sa dibdib niya. This is the first time he really felt like this. Kahit kay Cindy hindi niya ito naramdaman. Nakalabas na ng domestic airport si Ely. May na

