"CORY, buksan mo ang pinto! Kapag hindi ko binuksan ito. Sisirain ko ito!" nilamon na ng galit at selos si Ely. Hindi na niya naisip na nasasaktan na niya ang kanyang mag-ina. "Ely, what's the matter?! Sisirain mo ba ang lahat ng gamit dito sa bahay? Talk to your wife, calm and nice. Hindi ganyan na tinatakot mo pati ang anak mo," saway ni Allen sa anak. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa anak niya at nagkakaganito ito. "Dad, hindi ko tinatakot ang mag-ina ko. Gusto ko lang makausap ang asawa ko," katwiran ni Ely. Lasing ito at hindi na alam ang ginagawa. Muli nitong binalikan ang pinto. "Cory! Cory! Open this damn door, now!" pilit na binubuksan ni Ely ang pinto. "Eliseo! Go! Bukas mo na kausapin ang asawa mo. Ako na muna ang kakausap sa kanya," taboy ni Allen kay Ely. Nilapita

