"LET'S go walwal tayo, treat ko?" ani Chad habang palabas kami ng gusali. Kakatapos lang ng trabaho namin at kahit pa paano'y lumuwag ang schedule ng bawat isa sa amin dahil lahat kami'y nakapagpasa ng articles before the deadline at pasalamat kami at walang binalik para sa revision ng mga iyon. "Sigurado ka ba, Chad? Hindi ko tatanggihan 'yan, sumakit ang ulo sa articles ko and I think I need some drinks to refresh my minds at mag-relax na rin," nakangiting ani Melissa. Inikot pa nito ang leeg na parang nagwa-warm up at saka hinimas ang sentido. "Ako rin, Chad I won't resist your offer. Baka nabibigla ka lang, malakas uminom 'tong si Melissa," pananakot ni Andrea kay Chad. Napangiti si Chad at bumaling kay Melissa. "Kahit pa isang bucket na beer, ibibigay ko kay Melissa if that's what

