Unexpected 5: The Wedding (Part 1)

1807 Words
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy. "Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko. Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintuan ng silid. Nagpaalam lang siya na lalabas saglit pero hindi na bumalik. "Sa tingin mo gusto kong magpakasal sa 'yo? Sa tingin mo ba gugustuhin kong magpakasal sa katulad mo? I remembered what you've done to me, Zandy at hindi ko 'yon makalilimutan," sambit ko na bakas pa rin doon ang inis at galit dahil sa katotohanang siya pa rin ang dahilan ng hiwalayan namin ni Roven. Napangisi si Zandy. Bahagya pang kumiling ang ulo niya, saka seryoso akong tiningnan. "Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin sa pang-iiwan sa iyo ng ex mo? Sa tingin mo ba ako talaga ang dahilan ng hiwalayan ninyo? Come on, Miles alam kong alam mo sa sarili mo na may ibang dahilan kung bakit ka iniwan ni Roven," giit niya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ibang dahilan? Inisip ko kung ano'ng dahilan ang sinasabi niya pero wala akong maisip na dahilan kung 'di siya lang. Ngumisi ako. "Zandy, hindi rin talaga makapal ang mukha mo, 'no? Ikaw na nga itong nang-agaw ikaw pa itong matapang," inis kong balik sa kaniya. Napasinghap si Zandy at saglit na yumuko. "I don't have time to explain everything to you, Miles. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Don't let your past control your present. Hindi lahat ng nakikita mo'y iyon ang katotohanan." Tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong tulala at iniisip ang mga sinabi ni Zandy sa akin. Ano'ng ibig sabihin niya sa mga sinabi niya? — NAPAILING NA lang ako at wala nang nagawa sa naging pag-uusap nila sa gaganaping kasal namin ni Zandy. Hindi ko alam kung bakit masyado silang nagmamadali na animo'y mauubusan ng paring magkakasal sa amin. Ni hindi na nga kami nakasingit sa pag-uusap nila habang hindi mawala ang ngiti sa kani-kanilang mga labi na tunay na mas masaya pa sila kaysa sa amin na ikakasal. Napagdesisyunan nilang ikasal kami sa mas madaling panahon. Madaling panahon talaga dahil isasagawa na iyon sa unang araw ng buwan sa susunod na buwan, ilang araw matapos ni papa na lumabas ng hospital. Isang linggo na lang mahigit iyon. Gusto ko na lang sumigaw sa inis at lungkot. Tama ba talaga ang naging desisyon ko na pumayag sa kasal na ito? Pwede pa ba akong umatras? "Hindi naman ata nagmamadali ang pamilya ni'yong ikasal kayo, 'no?" sarkastikong sambit ni Andrea habang kumakain kami sa restaurant malapit sa hospital matapos mag-usap ng mga pamilya namin ni Zandy para sa kasal namin. "Kasal agad? Ni walang getting to know stage para sa inyong dalawa? Ganoon ba sila ka-desperate just because of that damn old cursed?" dagdag pa niya. "Pero in fairness, kung kagaya lang ni Zandy ang pakakasalan ko, gora ako kahit pa hindi sigurado ang kasarian niya. Ang hot niya kaya and no doubt he's super handsome. Artista level, ganoon!" mataray pa niyang segunda. Napairap na lang ako sa sinabi ni Andrea. "Yes, alam kong gwapo si Zandy pero siya pa rin ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Roven. Kung may iba lang talaga akong choice, hindi ko pakakasalan ang lalaking iyon," saad ko na bakas doon ang panghihinayang at pagsisisi. "Hindi ko rin naman kasi maintindihan sila, mama, eh, masyado silang naniniwala sa sumpa-sumpa na 'yan, napaaga tuloy ang pag-aasawa ko," maktol ko pa at marahas na pinaghihiwa ang karne sa plato ko na gumawa ng ingay. Napangiti si Andrea. "Hindi ko na rin alam ang sasabihin sa iyo, Miles mukhang wala na rin naman akong magagawa sa sitwasyon mo. Pinili mo na rin naman iyan, nakapagdesisyon ka na at ang dapat mo na lang gawin, paghandaan ang susunod na magiging buhay mo pagkatapos ng kasal mo," aniya na bakas ang lungkot at simpatiya sa boses niya. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagawang galawin ang pagkain ko. Iyon na nga ang dapat kong gawin, ang paghandaan ang mangyayari sa akin pagkatapos ng kasal na ito. Pero hindi ako papayag na habang buhay kong makakasama ang Zandy na iyon na hindi ko alam ang tunay na kasarian. Mag-isip ako ng plano para siya na mismo ang makipag-divorce sa akin pagkatapos ng kasal at pareho kaming maging malaya. — HABANG nagbabayad ng hospital bills si mama, inaayos ko naman ang lahat ng gamit sa silid para sa paglabas ni papa ng hospital. Kahit pa paano'y panatag na ang loob ko dahil sa nakikita ko'y maayos naman na ang lagay ni papa. Iyon nga lang, sabi ng doctor hindi pa rin siya pwedeng ma-stress dahil sa sakit niya sa puso na pwedeng humantong sa atake niyon. Kaya hanggang maaari, hindi na ako makikipagtalo pa sa kaniya at susundin na lang siya. Mayamaya pa'y nagulat ako nang iniluwa ng pinto si Zandy. Akala ko'y artista ang pumasok sa silid dahil sa gwapo niyang mukha at sa porma niya na animo'y pupunta ng photo shoot. Nakasuot siya ng white t-shirt at polo sa ibabaw niyon na tinirnuhan ng pants na black. "Magandang hapon po, tito Wesley," nakangiting bati niya kay papa na nagpakunot sa noo ko dahil sa mabait na trato niya rito. "Oh! Magandang hapon rin, hijo?" balik ni papa na todo ang ngiti. Napailing na lang ako. "Nag-abala ka pang pumunta rito, baka naaabala ka na namin," nahihiyang ani papa. "Naku! No worries po, Tito and besides I have nothing to do today, kaya I'm free po," nakangiting balik ni Zandy. Napapailing na lang ako at napapasinghap dahil sa kabaitan niya kay papa na hindi ko kayang paniwalaan. "Hindi ka na dapat nag-abala, Zandy, kaya naman na namin ito," singit ko sa kanila at alangang ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin siya nang bumaling sa akin. "Wala ka nang magagawa, I'm already here," aniya, saka bumaling uli kay papa. Inayos niya ang wheelchair at inalalayan na ito na umupo roon. Malakas na rin naman si papa pero mas mabuti na rin na gumamit ito ng wheelchair para hindi na ito mapagod. "Oh! Nandito ka na pala, hijo? I'm sorry sa abala, huh," bungad ni mama nang makapasok siya sa loob ng silid. Lumapit ito kay papa at tumulong sa pag-aasikaso rito. "Ok lang po, Tita," ani Zandy. "Napakabait mo talagang bata, hijo!" puri ni mama sa kaniya. Napanguso na lang ako at inis na ginaya si mama. Mabait ba ang lala—este baklang iyon? Kung alam lang sana nila kung anong ginawa ni Zandy sa akin baka hindi na nila masabing mabait siya. Mayamaya pa'y naayos na namin ang lahat ng gamit sa silid at lumabas na roon. Si mama ang nagtutulak kay papa habang bitbit ni Zandy ang ilang bag na may lamang mga damit at ang dala ko nama'y ilang mga plastic lang na may lamang kung ano-ano. Sumakay kami sa sasakyang dala ni Zandy at siya na rin ang nagmaneho niyon. Nakasimangot lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. Habang umuusad ang sasakyan, panaka-naka kong tinatapunan ng tingin si Zandy. Seryoso lang siya at diretso ang tingin sa kalsada. Nakapwesto kasi ako sa tabi niya sa front seat ng sasakyan. "Sinusulyapan mo ba ako?" Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon ni Zandy. Bumaling pa ako sa kaniya. "Ikaw susulyapan ko? You're just imagining things, Zandy," mataray kong balik. Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Tumahimik uli kaming lahat na nasa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko'y hindi ko talaga kakayanin na makasama ng matagal si Zandy. Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya sa iisang bubong, baka hindi na ako umuwi sa bahay na titirhan namin. Huminto ang sasakyan ng makarating kami sa bahay. Ako na ang unang bumaba ng sasakyan at binuksan ang gate ng bahay. Napakunot pa ang noo ko nang tumama ang sikat ng araw sa mga mata ko. Inalalayan ni Zandy si papa sa pagbaba sa sasakyan niya. Kung pagmamasdan siya, mukha namang mabait at gentleman pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya sa akin, nabubura lahat iyon. Nakasimangot na dinampot ko ang mga gamit sa sasakyan at ganoon din si mama habang si Zandy ang tumutulak sa wheelchair ni papa. Nagme-make face naman ako sa huli dahil sa pakitang tao niya. Matapos kong ilagay sa sala ang mga gamit, bumalik ako sa sasakyan para kunin ang naiwan pang gamit doon. "Akala mo naman mabait. Kung alam lang nila kung sino ang Zandy na iyon—" "May sinasabi ka ba? Why don't just tell it to my face?" Para akong naestatwa sa mga narinig ko. Mariin akong napapikit at dahan-dahang lumingon, tumambad sa akin si Zandy na nakahalukipkip habang nakasandal sa sasakyan niya. Bahagya pang kumunot ang noo niya dahil sa bahagyang sikat ng araw na tumatama sa gwapo niyang mukha. May hiyang bumakas sa mukha ko pero dahil naiinis ako sa kaniya, napalitan iyon. "Bakit hindi ba totoo? Nagpapanggap kang mabait sa harap nila pero ang totoo nang-agaw ka naman ng boyfriend nang may boyfriend," sumbat ko sa kaniya. Napangisi siya at napasinghap. Saglit pang napakiling ang ulo niya. "Ganiyan ka ba mag-isip, Miles? You're not matured enough if that's how you think about people. Ang tunay na pagkatao ba ng isang tao ay ang isang beses nilang pagkakamali o isang kasalanang nagawa nila? I really care at totoo ang pinapakita ko, you're just making it a fake," makahulugang sambit niya. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Hindi ko alam pero tinamaan ako sa mga salitang binitawan niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Nakita kong pumihit si Zandy at humakbang na pero agad ding huminto. Humarap siya sa akin. "Sa tingin mo ba gusto ko rin ang kasal na ito? I don't want to get married to a girl like you, wala lang akong choice." Ngumisi pa siya at saka naglakad na palayo sa akin. Naiwan akong tulala at nakabuka ang bibig. Bumalik na naman ang inis ko kay Zandy dahil sa sinabi niya. "Haist! Napakayabang! Akala mo naman kung sinong gwapo, eh, bakla naman," inis ko pang sambit at padabog na naglakad papasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD