Unexpected 10: Surprise

1167 Words

KINAUMAGAHAN, mas maaga akong nagising sa usual na gising ko sa hindi ko malamang dahilan. Baka marahil dahil sa gusto na ng katawan kong bumangon para mas maagang makapag-prepare sa pagpasok sa trabaho. Humarap ako sa salamin. Napasimangot ako nang makita ko ang hitsura ko roon. Gulo-gulo ang buhok ko na parang sinabunutan. Kinuha ko ang suklay sa tapat ng salamin at sinimulang suklayin ang gulo-gulo kong buhok. Napapangiwi pa ako dahil sa bahagyang sakit niyon sa anit dahil sa nahihila ko iyon. Matapos kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako ng silid na naka-pajama pa habang nakapusod ang buhok ko sa mismong tuktok ng ulo ko. Nang makalabas ako, ganoon na lang ang gulat ko nang nadatnan ko si Zandy na nandoon habang kausap si Mama at Papa. "Ano'ng ginagawa mo rito ng ganito kaaga?"

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD